Showbiz News

Superstar Nora Aunor, binigyang pagkilala ng Gawad Amerika Award 2020

By Aaron Brennt Eusebio

Kinilala ng Gawad Amerika Foundation ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor nang parangalan ito ng Lifetime Achievement Award in Performing Arts sa 19th Gawad Amerika Award noong November 21 sa Los Angeles, California.

Dahil sa COVID-19 pandemic, hindi nakadalo sa awards night ang Superstar at nagpadala na lamang ito ng video message.

Saad niya, "Sa lahat ng tagahanga ko d'yan sa Amerika, mga nagmamahal po sa akin, sa lahat ng sumusuporta, ang aking walang katapusang pagmamahal sa inyong lahat d'yan.

"Mula po sa puso, walang iwanan, love you."

Pinarangalan ang Superstar na si Nora Aunor ng Lifetime Achievement Award in Performing Arts sa 19th Gawad Amerika Award sa Los Angeles, California. / Source: Gawad Amerika Awards (FB)

Active pa rin ang Superstar sa entertainment industry at mapapanood siya sa TV adaptation ng kanyang hit '80s movie na Bilangin ang Bituin sa Langit bilang si Cedes.