Showbiz News

John Estrada, grateful sa alaga ng GMA-7 habang naka-lock-in taping

By Aedrianne Acar

Hindi man madali na mawalay sa kanilang mahal sa buhay para sa one-month lock-in taping, gumagaan naman daw ito ayon kay John Estrada. Kabilang si John sa bagong drama series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Makakasama ng versatile actor sa naturang project ang ilan sa pinakamagagaling na aktor at promising talent sa showbiz tulad nina Carmina Villarroel, Tanya Garcia, Dave Bornea, Manolo Pedrosa, Liezel Lopez, Kristoffer Martin at ang lead actress ng soap na si Pauline Mendoza.

Sa Instagram post ni John noong Linggo, November 22, ipinasilip niya ang kanyang accommodation para lock-in taping ng serye.

Taos-puso din ang pasasalamat niya sa pamunuan ng GMA Network at sa staff ng kanilang soap for making them comfortable habang naka-lock in taping.

Aniya, “Just wanna thank and praise GMA for putting us in a very comfortable environment for our one-month lock in ... specially to our staff of "BABAWIIN KO ANG LAHAT" iba kayo guys.

“Kudos to you guys ... di po kami tinipid... importante po sa amin ang comfort at 'yun po ang binigay n'yo ... salamat nagtatrabaho ka pero parang nasa baksyon ka.”


May pasilip na din ang GMA Entertainment Group (EG) sa ilang eksena na mapapanood sa Babawiin Ko Ang Lahat na dapat n'yo abangan!

Ano kaya ang magiging role nina Carmina Villarroel at John Estrada sa bagong soap na ito?

RELATED CONTENT:

GMA brings together a powerful cast for upcoming drama series 'Babawiin Ko Ang Lahat'

LOOK: Pauline Mendoza introduces her character on 'Babawiin Ko Ang Lahat'