Showbiz News

EXCLUSIVE: Kate Valdez, may mensahe sa mga kabataang nahihirapan sa new normal

By Aedrianne Acar

Nakakapanibago para sa Kapuso actress na si Kate Valdez na muling sumabak sa taping sa high-rating weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Photo by: valdezkate_ Instagram

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Kate ang mga pagbabagong napansin niya sa taping nila, kung saan mahigpit na sinusunod ang health and safety protocols.

Wika niya, “To be honest kahit na tapos na po ako mag-lock-in taping iba rin 'yung feels, nakakapanibago pa rin malaking adjustment ito para sa akin, 'yung new normal taping ngayon.

“And before kasi wala naman sinusunod na safety protocols or rules na magsuot ng face mask, face shield tapos magkaroon ng social distancing, so malaking adjustment po and challenge for us.”

May nami-miss din siyang gawin sa taping na hindi na puwede gawin ngayon sa gitna ng pandemya.

Paliwanag ni Kate, “Since kami po, every time na darating kami sa set, pagbabati kami talagang nakasanayan na naming bumeso, mag-hug ganyan. Konting chika, makipagkulitan ngayon hindi na puwede.

“Hanggang kaway na lang talaga and before kahit ilan pa kayong cast sa show okay lang ngayong limited lang, so nakakalungkot.”

Panghuli, nagbigay din siya ng mensahe para sa lahat ng mga kabataang hirap mag-adjust ngayon sa new normal.

Payo ng Kapuso actress, “I just want you to let you know na kahit may nangyayari ngayon huwag tayo mawalan ng pag-asa.

“Puwede niyo pa rin gawin 'yung mga gusto ninyo and nagpapasaya sa inyo, but kailangan doble ingat.

“Kailangan natin mas maging malinis sa sarili at sa paligid para safe tayo. And makinig kina mommy and daddy and also don't forget to pray.”

Abangan si Kate Valdez na gaganap na Jasmine sa 'Witch is Which' tale sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa November 29 pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang The Clash.

LOOK: 'Daig Kayo Ng Lola Ko,' balik-taping na under the new normal