Showbiz News

Jasmine Curtis-Smith, gumanap bilang Maria Clara sa isang online monologue

By Jansen Ramos

Gumanap bilang Maria Clara si Jasmine Curtis-Smith sa isang online monologue na pinamagatagang Kagawaran Reads Rizal. Ito ay inorganisa ng Kagawaran ng Filipino ng Paaralan ng Humanidades ng Ateneo De Manila University kung saan miyembro ang film writer and director na si Alvin Yapan.

Tampok dito ang mga dramatikong pagbasa ng mga piling monologo sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose P. Rizal.

Sa monologue ni Jasmine, madamdamin niyang binasa ang Kabanata 60 ng Noli Me Tangere na pinamagatang "Ikakasal na si Maria Clara."

Panoorin dito:

Ayon sa panayam ni Direk Alvin kay Jasmine, inamin ng aktres na hindi niya napag-aralan ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil sa Australia siya nag-aral ng high school. Kaya naman na-challenge siya sa pagbigkas ng mga matatalinhagang salita sa monologo.

Ika ng Descendants of the Sun star, "It was really fun.

"Triny ko talaga siya kabisaduhin, to be honest, kasi I really want to make sure to perform it as natural, hindi nabubulol kasi nga may tendency ako na malito sa malalalim na Tagalog.

"But I enjoyed the challenge so much kasi it's another form for me to learn kung paano tanggapin na ganito 'ko, bulol ako. Pero mahahanapan ng paraan 'yan para mapanindigan, aralin.

"And then eventually baka, direk, we can make this into a film."

Ayon pa sa kanya, magandang simula ito ng kanyang pag-aaral sa literary works ni Rizal.

Bukod kay Jasmine, tampok din sa Kagaawaran Reads Rizal sina TJ Trinidad (Ibarra), Simon Ibarra (Simoun), Joem Bascon (Elias), Mercedes Cabral (Salome), Sue Prado (Sisa), Jess Mendoza (Basilio), Joel Saracho (Pilosopo Tasyo), Brian Sy (Isagani), at Yam Mercado (Imuthis).