GMA Logo Gaia Polyhmnia and Benjamin Alves
What's Hot

Social media star Kween Gaia, may imbitasyon mula kay Benjamin Alves matapos kiligin sa 'Owe My Love' star

By Cherry Sun
Published November 25, 2020 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Gaia Polyhmnia and Benjamin Alves


May mensahe si Benjamin Alves para sa meme queen! Silipin ang kanilang interaction dito.

Hindi lang basta napansin ni Benjamin Alves ang social media star at meme queen na si Gaia Polyhymnia. Nakatanggap pa ang huli ng imbitasyon mula sa Owe My Love star.

Gaia Polyhmnia and Benjamin Alves

Kasama si Kween Gaia sa lock-in taping ng upcoming Kapuso rom-com series kung saan gaganap siya bilang isang chismosang kapitbahay.

At true to her character, napakalat niya ang balita tungkol sa hotness ni Benjamin. Naging viral ang kanyang stolen photo ng Kapuso hunk kung saan sinabi niyang nakagugutom daw ang kagwapuhan nito.

Nakita ni Benjamin ang kanyang post at nagkomento, “Tara… Sabay tayo kumain.”

Mapapa-#SanaAll ka talaga!

Tampok sa Owe My Love ang balik-tambalan nina Lovi Poe at Benjamin.