Showbiz News

Slapshock frontman na si Jamir Garcia, pumanaw na

By Jansen Ramos

Pumanaw na si Vladimir "Jamir" Garcia, ang frontman ng iconic Pinoy heavy metal band na Slapshock, sa edad na 42.

Ayon sa isang report ng Quezon City Police District, natagpuang walang buhay si Jamir sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sangandaan, Project 8 ngayong Huwebes ng umaga, November 26.

Sinugod siya sa Metro North Medical Center Hospital pero idineklara siyang dead on arrival.

Ayon sa ulat ng GMA News, iimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang pagkamatay ng band vocalist.

Samantala, pinalitan ng Slapshock ang kanilang profile picture sa Twitter ng itim na larawan bilang simbolo ng pagluluksa.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang mga tagahanga ni Jamir dahil sa biglaan niyang pagkamatay.