Showbiz News

Pag-iibigan na nagsimula noong World War II, mapapanood sa 'Wagas'

By Aaron Brennt Eusebio

Panahon ng World War II nang mabuo ang pag-iibigan nina Monica, isang mambuburda, at Filemon De Ramos, isang magsasaka.

Parehong tubong Lumban, Laguna sina Monica at Filemon. Upang makuha ang loob ng dalagang si Monica, gabi-gabi itong hinaharana ni Filemon sa labas ng kanilang bahay.

Sa pagtatapos ng giyera at unti-unting pagbabalik ng kapayaan, mas lalong tumindi ang pagsuyo ni Filemon kay Monica.

Sa katunayan, ang perang nakuha ni Filemon bilang “war damage” ay itinulong niya sa pamilya ni Monica para makabangon ang mga ito sa pinsalang dulot ng digmaan.

Matapos ang mahabang pagmamasa na sinubok ng panahon, napanatili nina Monica at Filemon ang kanilang pagmamahal.

Noong 2014, sa unang anibersaryo ng 'Wagas,' itinampok ng programa ang pagmamahal nina Monica at Filemon De Ramos na nagsimula noong World War II. / Source: Wagas (FB)

Ginampanan ni Rhian Ramos ang buhay ni Monica, samantalang si Marc Abaya naman si Filemon.

Muling panoorin ang pag-iibigan nina Monica at Filemon De Ramos na sinubok ng panahon ngayong Linggo, November 29, sa Wagas pagkatapos ng All-Out Sundays.