GMA Logo Adobo ni Conchita sa The Lost Recipe
What's on TV

LOOK: Ang adobo na bibida sa 'The Lost Recipe'

By Maine Aquino
Published November 27, 2020 3:55 PM PHT
Updated December 18, 2020 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Adobo ni Conchita sa The Lost Recipe


Ipinasilip na ang pagkaing bibida sa 'The Lost Recipe' at ipinakilala na rin ang mga bumuo sa iconic recipe.

Ipinasilip na ng upcoming fantasy-romance series ng GMA Public Affairs ang tatawagin nilang The Lost Recipe.

Adobo ni Conchita sa The Lost Recipe

Photo source: The Lost Recipe

Ang lost recipe na mapapanood sa programa ay ang pinakamasarap na adobo na gawa ni Conchita. Sa adobo na ito ang iikot ang sa istorya ng programang pagbibidahan nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.

Ang actual recipe ng adobo ni Conchita ay binuo ng headwriter na si Erwin Caezar Bravo sa tulong ng food consultant at Food Hero Asia 2016 winner na si Chef Anton Amoncio. Si Chef Anton ay mapapanood din sa The Lost Recipe bilang Chef Filbert.

Kuwento ni Chef Anton, ang naging inspirasyon nila sa pagbuo ng recipe ng adobo ni Conchita ay hango sa paraan ng pamumuhay noon ng mga Pilipino.

"Ang inspiration ko po sa pagbuo ng recipe ng adobo ni Conchita ay kung paano po namuhay ang mga ancestors natin. Kung paano po sila nag-preserve ng mga ingredients, at kung ano po ang takbo ng isip nila kapag nagluluto. Hindi ko pa po puwede i-reveal 'yung secret, pero sana abangan po ito ng mga viewers."

Saad ng celebrity chef, bukod sa adobo ni Conchita ay marami pang mga recipes ang mapapanood sa programa. Ang mga Pinoy ay mahihilig umanong magluto kaya naman umaasa sila na magugustuhan ng mga manonood ang iba't ibang mga pagkain na kanilang ihahanda sa programa.

"Lahat ng pagkain, karakter at eksena ay pinag isipan. Since most sa mga Kapuso natin ngayon ay nasa bahay at nagluluto or napilitan matuto magluto (hehe), sa tingin ko ay magiging kaabang abang at enjoyable ito Para sa kanila. Plus, hilig natin lahat, lalo na ng mga Pinoy, ang magluto. So we're really excited to share this with them."

Ibinahagi rin ni Chef Anton na napapanahon ang kuwento ng The Lost Recipe ngayon dahil sa aral at inspirasyon na hatid nito.

"Ngayong may pandemic, isa 'yun sa mga naging konsiderasyon ng mga writers natin. I worked closely po with Erwin, the head writer, and his team. They made sure na ang The Lost Recipe ay hindi lang maganda kundi kapupulutan ng aral at magsisilbing inspiration sa ating mga Kapuso."

Abangan ang kuwento ng adobo ni Conchita sa nalalapit na pagsisimula ng The Lost Recipe sa GMA News TV.

Silipin ang mga larawan ng The Lost Recipe cast members na kuha mula sa kanilang kitchen training: