GMA Logo Ken Chan gun firing
What's Hot

Ken Chan, sumailalim sa firearm training para sa kanyang new soap na 'Ang Dalawang Ikaw'

By Jansen Ramos
Published December 1, 2020 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan gun firing


Abangan ang 'Ang Dalawang Ikaw' malapit na sa GMA.

Naghahanda na si Ken Chan para sa kanyang bagong GMA soap na Ang Dalawang Ikaw.

Kamakailan ay sumailalim si Ken sa isang firearm training para sa split personality ng kanyang karakter sa serye na si Nelson.

May dissociative identity disorder o DID kasi si Nelson kaya wala siyang malay na nakakabuo siya ng alternate personalities at isa riyan si Tyler, isang gun dealer/smuggler.

Extrovert si Tyler na malayong-malayo sa totoong personalidad ni Nelson. Magkakaroon din si Tyler ng girlfriend sa katauhan ni Beatrice, na gagampanan ni Anna Vicente, kahit pa may asawa na si Nelson, si Mia, na gagampanan naman ni Rita Daniela.

Ang Dalawang Ikaw ang ikatlong pagtatambal nina Ken at Rita sa telebisyon, matapos ang My Special Tatay at One of the Baes.

Abangan ang Ang Dalawang Ikaw malapit na sa GMA.