Showbiz News

'Amazing Cooking Kids' starts cooking this Saturday

Simula ngayong April 16 ay mapapanood na ang pinakakakaibang cooking competition ng GMA, ang ‘Amazing Cooking Kids’. Text by Karen de Castro. Photo by Mitch S. Mauricio. Twelve finalists, ranging from ages 9 to 12, ang maglalaban-laban para maging kauna-unahang winner ng pinakabago at pinaka-cute na cooking competition ng Kapuso network, ang Amazing Cooking Kids. Magpapakita sila ng kani-kanilang natatanging talent sa pagluto, at tiyak na mapapabilib nila kayo sa kanilang kakayahan gaya ng pagka-bilib sa kanila ng host na si Ms. Carmina Villaroel at ng tatlong chef judges. “We have 12 amazing kids talaga. Nakapag-taping na po kami ng pilot episode and I can really say na talagang amazing po talaga. Bagay na bagay ang Amazing Cooking Kids sa aming programa,” says Carmina. Ang twelve finalists na ito ay sina Dingdong Lagman ng Quezon City, Tasha Pulgado ng Bulacan, Nica Fortuno ng Batangas, Xymon Caballero ng Caloocan City, Duday Reyes ng Quezon City, Budik Villalobos ng Cavite, Pat Reyes ng Mandaluyong City, Ice Almalmani ng Parañaque City, Tarah Santos ng Muntinlupa City, Angela Rosales ng Quezon City, Ronin Leviste ng Makati City, at Pau Sablaya ng Quezon City. Kuwento naman ng isa sa mga judges na si Chef Rosebud Benitez, “This show is something that you should be looking forward to, kasi talaga namang maa-amaze kayo sa kagalingan ng mga bata. Kasi kahit na kaming mga chef na ay bilib sa kanila. At their very young age, napakagaling ng skills nila when it comes to cooking.” “Actually abangan niyo rin, hindi lang sa pagluluto. Meron din mga challenges ang mga bata na talagang ang saya-saya,” says Chef Jackie Ang-Po. “Aabangan niyo rin kasi nga masayang-masaya yung show. Hindi lang talaga puro luto, basta, parang very, very fun summer na cooking and playing ng mga bata.” Samantala, ang isa naman sa mga judges ay nai-inspire sa mga bata. “Natutuwa po ako na nakita ko itong mga bata. Sa totoo lang nung bata po ako naga-aspire po ako to become [a] chef. And now, to see young kids going that direction, very heart-warming and very, very amazing,” paglalahad ni Chef GB Barlao. Abangan ang pagsisimula ng Amazing Cooking Kids ngayong Sabado, April 16, bago mag-Eat Bulaga on GMA. Pag-usapan ang Amazing Cooking Kids sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!