Showbiz News

Poll: Bagay ba si Iza Calzado na gumanap na Tonette/Tonya sa 'I Heart You Pare'?

Nagustuhan ba ng aming mga readers ang pagkakapili kay Iza bilang kapalit ni Regine? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio. Sa pag-alis ni Regine Velasquez sa I ♥ You Pare dahil sa kanyang maselang pagbubuntis ay iniwan niya ang kanyang pinakamamahal na role bilang si Tonette o Tonya sa isa sa mga pinakamagaganda at pinakamagagaling na aktres sa showbiz ngayon, si Iza Calzado. Biglaan ang pagpapaubaya ni Regine kay Iza sa kanyang role, kaya naman sa mga nakaraang interviews ay ipinahayag ni Iza ang kanyang kaba sa kanyang pagganap sa role na minahal na ng mga manonood. Ito rin ang first time ni Iza sa kanyang buong career to do comedy, kaya naman kakaibang experience talaga ito para sa kanya. Binigyan namin ng pagkakataon ang mga iGMA.tv readers na mapanood si Iza sa kanyang pagganap sa role na Tonette/Tonya, at tinanong namin sila sa aming poll: Bagay ba si Iza Calzado na gumanap na Tonette/Tonya sa I ♥ You Pare? As always, our readers were eager to share their thoughts with us. A total of 2,291 votes were cast for this poll. Sa mga ito, 4% ang nagsabi na dedma sila sa pagpapalit ng cast at sa pagganap ni Iza. 17% naman sa mga voters na ito ang nagsabi na puwede na si Iza at papasa na bilang si Tonette/Tonya. 25% naman ang mga loyal kay Regine at nagsabi na hindi bagay kay Iza ang gumanap bilang si Tonette. But majority of the votes agreed na talaga namang maganda ang pagganap ni Iza at bagay sa kanya ang kanyang bagong role, with 54% of the voters saying oo. Patuloy na abangan si Iza and the cast of I ♥ You Pare weeknights on GMA Telebabad. Abangan ang aming latest poll! Log on na sa www.igma.tv and vote! Pag-usapan si Iza sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Iza. Just text IZA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) IZA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.