Showbiz News

Ilang Kapuso stars, wagi sa RAWR Awards 2020

By Marah Ruiz

Wagi ang ilang Kapuso stars sa RAWR Awards 2020 ng entertainment site na LionhearTV.

Ginanap ang seremonya noong December 5 sa pamamagitan ng livestreaming sa official Facebook at YouTube account ng LionhearTV.

Sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo nito, may mahigit 30 awards ang ipapamahagi ng LionhearTV.

Ilang sa mga ito ay nasungkit ng paborito nating mga Kapuso stars.

Nakuha ni Aiko Meledez ang award para sa Favorite Kontrabida sa kanyang pagganap bilang Kendra sa hit GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.

Hinirang naman bilang Actor of the Year si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Actress of the Year naman si Phenomenal Star Maine Mendoza.

Kabilang naman sa Most Admired Celebrities si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Nasungkit ni Atom Araullo ang parangal para sa Male News Personality of the Year.

Pinarangalan din si Jessica Soho bilang Female News Personality of the Year.

Ang mga napiling winners para sa bawat kategorya ay hango sa mga boto--33% galing sa fans at mga readers ng site, 33% mula sa blogging community at industry leaders at 33% mula sa third-party analytics.