Showbiz News

HIGHLIGHTS: Ang glamorosang trabaho ni Janine sa 'VIP'

By Marah Ruiz

Sa unang linggo ng VIP, masasaksihan ang pasikut-sikot ng trabaho ni Janine (Jang Na-ra) sa VIP management team ng Sung Un Department Store.

Mula sa makukulit at demanding na VIP clients hanggang sa pakikipag-unahan sa pag-order ng mga eksklusibo at limited edition items, bihasa na si Janine dito kaya't hindi na nakakapagtaka na narating niya ang mataas niyang posisyon sa trabaho.

Ipapakilala na si Yuri bilang ang pinakabagong miyembro ng kanilang team. Dati siyang nag-aabot ng food samples sa mall kaya magiging ugat ng tsismis na may "special treatment" mula sa itaas ang kanyang pagkaka-hire sa VIP management team.

Samantala, kakaiba ang kinikilos ng asawa ni Janine na si Simon. Sakto namang makakatanggap si Janine ng anonymous text message na nagsasabing may affair si Simon at isa sa kanyang mga katrabaho.

Panoorin ang highlights ng unang linggo ng VIP.

What's it like to be a VIP?




VIP alert!




Janine saves the day!




Yuri joins the team




The nouveau riche client




Janine's marriage goes south




How to dress like a VIP




Eula and Yuri's secret mission




Patuloy na tumutok sa VIP, Lunes hanggang Huwebes 10:50 pm pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad.