Showbiz News

'Oh My Job' host Bea Binene, napiling ambassador ng Department of Labor and Employment

By Aedrianne Acar

Matapos tayo pabilibin ni Bea Binene bilang versatile actress at entrepreneur, isang bagong misyon ang gagampanan ng Kapuso star bilang pinakabagong ambassador ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa Instagram post ni Bea last November 29, nasorpresa siya matapos inanunsyo ni DOLE Secretary Silverstre Bello III na napili siya bilang pinakabagong ambassador ng kagawaran.

Nasa Pangasinan noon ang Kapuso actress para sa isang shoot ng kanyang DZBB program na Oh My Job.

Saad ni Bea, “Went to Pangasinan for a shoot of @ohmyjobphilippines yesterday. And thennn, this happened during our live! This is suuuch an honor (and a responsibility, of course)! Thank you, Director Rolly, Labor Secretary Bello and of course, the whole DOLE family!”

Sa eksklusibong pahayag na ibinigay ng actress-host sa GMANetwork.com, hangad niya na magampanan nang maayos ang role niya bilang DOLE ambassador at makatulong sa mga programa nila in the future.

Wika niya, "Masaya po ako na ipinagkaloob sakin ang pagiging ambassadress at mas magiging mas masaya ako kung magagampanan ko po nang maayos ang tungkulin na ito.

“Lumaki po ako na nagvo-volunteer sa mga charity, katulad nalang ng GMA Kapuso Foundation, tulad po ng pagtulong ko sa mga kababayan through these charities, nakahanda rin po na sumama sa iba't ibang mga programa ng DOLE"

Abangan si Bea sa Oh My Job kasama sina former Overseas Workers Welfare Administration Deputy Arnell Ignacio at seasoned radio reporter Tuesday Niu, tuwing Sabado from 1-2 p.m. sa GMA News TV at DZBB 594 Super Radyo.

Related content:

'Oh My Job' airs Saturdays on DZBB and GMA News TV