GMA Logo Coming Home in MMFF 2020
What's Hot

Kapuso stars, bibida sa pelikulang 'Coming Home'

By Aedrianne Acar
Published December 17, 2020 2:25 PM PHT
Updated December 17, 2020 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Coming Home in MMFF 2020


Aantig sa inyong mga puso ang 2020 Metro Manila Film Festival entry na 'Coming Home.'

Kaabang-abang ang family drama movie na Coming Home, isa sa mga entry sa 2020 Metro Manila Film Festival na magsisimula ngayong December 25.

Ang naturang pelikula na pinagbibidahan sa ilan sa paborito ninyong Kapuso celebrities tulad nina Shaira Diaz at boyfriend niya na si Edgar Allan Guzman.

Mapapanood din sa 'Coming Home', ang award-winning Kapuso actor na si Martin del Rosario at model-actor na si Luis Hontiveros.

Sa panayam ni Shaira sa 24 Oras kamakailan, ibinahagi niya ang ilan sa mga natutunan niya sa pagsho-shoot ng Coming Home.

Wika niya, “Marami akong naging realization, na family is family kahit may nagawa pa sa 'yong masama 'yan. Kahit may pain na binigay sa 'yo, at the end of the day, we're still family, tatay mo pa rin siya."

Masasaksihan din sa MMFF entry na ito ang husay ni Martin del Rosario.

Kilala na si Martin sa natatangi niyang pagganap sa ilang pelikulang nagawa na niya.

Noong simula ng taon, nasungkit niya ang Best Leading Male Performance for Born Beautiful sa 24th Asian Television Awards.

Samantala, proud din na kabilang sa Coming Home movie ang bagong Kapuso na si Luis Hontiveros.

Lubos ang pasasalamat ni Luis nang makapanayam ng GMANetwork.com noong Oktubre na nabigyan siya ng pagkakataon na lumipat sa GMA-7, kahit nasa gitna tayo lahat ng pandemya.

“My experience bilang Kapuso, like what you said, kahit nagka-pandemic I'm very grateful sa blessing na to, sa opportunity na 'to.

"Napakaswerte ko rin na kahit may pandemic I was still able to secure, you know, this contract with the Kapuso Network.”

Dagdag pa niya marami din siyang kinonsulta na mga Kapuso star na mga kaibigan din niya bago siya pumirma ng kontrata tulad nina Rocco Nacio at Gil Cuerva.

“I have friends like Rocco Nacino and Enzo Pineda isa sa mga batchmates ko sa StarStruck before. And isa sa mga recent na Kapuso na lumipat si Jon Lucas at isa pang friend ko na before showbiz pa, si Gil Cuerva.

“So nagtanong talaga ako kung paano nga ang dynamics, paano 'yung experiences nila bilang Kapuso and it was all positive.”

Kasama din sa Coming Home si former Senator Jinggoy Estrada, Jake Ejercito, Vin Abrenica, at Sylvia Sanchez.

Dahil sa panganib na dulot ng COVID-19 at bilang pagtalima sa mga strict health protocol, mapanonood MMFF entries via online sa pamamagitan ng UPSTREAM.ph.

Heto ang pasilip sa mapapanood sa family drama movie sa video below.

A post shared by Martin Del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)