Showbiz News

Bea and Jake nagbabalik sa iGMA Live Chat

Due to insistent public demand, nagbabalik ang mga record holders ng iGMA Live Chat! Bea Binene and Jake Vargas will go online today from 2pm to 4pm para maka-bonding ang kanilang mga online followers. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio Excited ang dalawang Tween stars ng makausap sila ng iGMA.tv sa pictorial ng kanilang movie, ang Tweens: Class of 2012. Bukod sa panibagong adventure na naman ng Tween Hearts barkada ang mapapanood ng kanilang mga fans, tiniyak si Bea Binene at Jake Vargas na maraming bago at dapat abangan sa kanilang up-coming movie. “Sobrang marami sila maabangan dito. Siyempre iba-iba ang mga characters namin, iba iba kasi kami. Siyempre, masisiyahan sila talaga dito kasi hindi lang ito love story, meron din about family, at saka sa school. Kaya abangan nila yan, abangan ng mga fans,” ang excited na kuwento ni Jake. Ano naman ang pakiramdam ni Bea sa kanilang movie? “I’m excited but at the same time I’m nervous. Kasi first time pa lang ako mapapanood ng mga tao...sa big screen. Siyempre kinakabahan rin kami kasi di namin gaano sure kung ilan ang makakapunta at makakanood. Kung okay ba, bebenta ba ‘to. Pero ayun super excited pa rin. Super excited and happy and thankful sa GMA,” ang sabi naman ni Bea. Kaya naman sa kanilang pagbabalik nila sa iGMA Live Chat, tiyak na maraming baong kuwento ang dalawa about their movie at syempre pa sa kanilang mga shows, ang Tween Hearts and Captain Barbell. Just log on to www.igma.tv/livechat from 2pm to 4pm to join this exclusive event. “Sa mga chatters po, nandito na naman kami ni Bea kaya abangan niyo kami. Chat-chat ulit tayo. Sana ma-break namin yung record naming,” ang paanyaya ni Jake. “Basta excited na ako ulit! Mag chat tayo sa May 26, 2pm to 4pm, siyempre sa iGMA.tv, magkikita-kita po tayo diyan! Pag-usapan si Bea at Jake sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get the latest updates on Jake. Just text BEA or JAKE (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) BEA or JAKE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.