Showbiz News

Ken Chan, nakapagpatayo ng limang gasoline stations ngayong taon

By Marah Ruiz

Childhood dream ni Kapuso actor Ken Chan ang magkaroon ng isang gasoline station bilang kanyang negosyo.

Ngayong taon, natupad ni Ken ang pangarap na ito. Higit sa lahat, hindi lang isa kundi limang gasoline stations pa ang naipatayo niya sa loob lamang ng tatlong buwan.

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni Ken sa mga natanggap na biyaya sa taong 2020, habang looking forward din siya sa 2021.

"Nasa isip ko siya noong bata pa lang ako. Sobrang blessed talaga ko ngayong 2021 and pati na rin noong 2020. Despite ng mga nangyari sa atin na pandemya, still, nagawa ko pa rin po na tuparin 'yung pangarap ko na magkaroon ng gasoline station," pahayag ni Ken.

Magiging busy lalo ang aktor sa 2021 sa pagsisimula ng taping ng pagbibidahan niyang upcoming GMA drama series na Ang Dalawang Ikaw.

Gaganap si Ken dito bilang isang lalaking may kalagayang tinatawag na dissociative identity disorder (DID).

Ang taong may ganitong kundisyon ay tila may dalawa o higit pang magkakaibang personalidad.

Sinimulan na daw ni Ken, pati na ng kanyang mga co-stars na sina Kapuso actress and singer Rita Daniela at Anna Vicente, ang paghahanda para sa serye.

"Kami ni Rita, si Anna Vicente, ako, nagwo-workshop po kami. Nanonood din ako ng mga films and mga documentaries about dissociative identity disorder," kuwento niya.

Inilarawan naman ni Rita ang kanyang karakter bilang isang "silent fighter."

"I guess siya 'yung mas pinaka strong sa mga nagamapanan ko [na karakter]. Mas strong pa siya kay Aubrey (My Special Tatay). Mas strong pa siya kay Jowalyn (One of the Baes). Si Mia, silent fighter siya eh. Mas masarap siyang i-portay kasi para siyang bida-kontrabida within herself," pahayag ni Rita.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.