Showbiz News

Kapuso shows na dapat n'yong abangan sa 2021! 

By Felix Ilaya

Talagang kaabang-abang ang mga shows na handog ng GMA ngayong 2021!

GMA Afternoon Prime:

Tunghayan ang pagbabalik ng pinakamatinding agawan sa telebisyon sa Magkaagaw starring Klea Pineda, Jeric Gonzales, Sunshine Dizon, and Sheryl Cruz.

Abangan ang kuwento ng isang dalagang buhay prinsesa na sa isang iglap ay maaagaw ng iba sa Babawiin Ko Ang Lahat tampok sina Pauline Mendoza, John Estrada, Tanya Garcia, Carmina Villarroel, Liezel Lopez, at Kristoffer Martin.

Huwag n'yong palalampasin ang istorya ng serye na Ang Dalawang Ikaw na tungkol sa Dissociative Identity Disorder with Ken Chan, Rita Daniela, and Anna Vicente.

Nawalay na magkapatid, magiging matinding magkaribal sa Nagbabagang Luha featuring Glaiza De Castro, Mike Tan, Rayver Cruz, and Claire Castro.

Abangan rin ang mga upcoming Kapuso shows na Artikulo 247, Las Hermanas, Love Connections, at Little Princess.

Weekend Shows:

Tiyak na exciting ang pagbabalik telebisyon ni Bong Revilla bilang tagapagtanggol ng kalikasan sa Agimat Ng Agila.

Muling magtatagisan ng galing ang mga pinakamagagaling na aspiring singers sa fourth season ng The Clash hosted by Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, and Rita Daniela.

Abangan rin ang pagbabalik ng all-original Kapuso singing competition for kids na Centerstage hosted by Alden Richards and Betong Sumaya.

Huwag magpapahuli sa newest entertaining game show na Catch Me Out Philippines kasama sina Jose Manalo, Derrick Monasterio at Kakai Bautista.

Samahan ang Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez sa Kapuso singing competition kung saan maaaring mahanap ng mga singers ang kanilang perfect match sa Sing For Hearts.

GMA News TV:

Tikman ang bagong timpla ng Philippine drama sa The Lost Recipe starring Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Tiyak na papatok sa mga kabataan ang Gen-Z-oriented variety show na Flex with hosts Althea Ablan, JD Domagoso, Lexi Gonzales, and Mavy Legaspi.

Abangan ang pagtatambal nina Julie Anne San Jose at David Licauco sa Heartful Cafe na tungkol sa isang cafe owner-turned-matchmaker sa kaniyang customers pero bitter naman pala in love.

First Kapuso mini-series ng real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang Love You Stranger na may elements ng love at mystery.

Samahan ang funny Kapuso stars na sina Sef Cadayona at Andre Paras na nakakaaliw na game show na pinamagatang Game Of The Gens.

Kiligin naman sa love stories with a fantasy twist sa My Fantastic Pag-Ibig.

GMA Telebabad:

Maiinit na mga eksena ang inyong masasaksihan sa pagbabalik ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday with astounding actresses Barbie Forteza, Snooky Serna, Dina Bonnevie, and Kate Valdez.

Abangan ang unang on-screen tambalan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa First Yaya.

Isang lalaki, tatlong asawa, sino kaya ang nilalaman ng kaniyang puso? Alamin sa Legal Wives starring Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, and Bianca Umali.

Tiyak na kilig ang hatid nina Benjamin Alves at Lovi Poe sa upcoming rom-com series na Owe My Love.

Tungyahan ang kakaibang tandem ng isang tao at isang buwaya na lalaban sa mga masasamang loob sa Lolong kung saan tampok ang tambalan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz.

Probinsiyana-turned-fashionista naman ang peg ni Heart Evangelista sa I Left My Heart In Sorsogon.

Abangan pa ang mga bagong kuwentong pag-ibig sa I Can See You.

Huwag ding palampasin ang kuwento ng mga upcoming series na To Have And To Hold, World Between Us, Love Die Repeat, and The Witness.

Heart Of Asia:

Based on the hit movie ang Thai series na Bad Genius: The Series tungkol sa cheating to the next level!

Tungkol naman sa mga estudyanteng biglang na-unlock ang kanilang natatagong superpowers ang Thai series na The Gifted.

Isang matinding love triangle tampok ang magkapatid ang dapat n'yong abangan sa Thai drama series na The Sand Princess.

Ang kasal na sapilitan, mauwi kaya sa totohanan? Alamin sa Thai series na My Husband In Law.

Abangan ang pagbabalik ni Master Kim (Han Suk-kyu) sa K-drama series na The Romantic Doctor 2.

Cutie manager meets palabang part-timer on K-drama rom-com series na Backstreet Rookie.

Paparating na ang K-drama series na Doctor John, ready to take your pain away.

Labanan sa salapi at kapangyarihan ang inyong matutungyahan sa K-drama series na Penthouse.

Saksihan ang kuwento ng buhay na pagtatagpuin ng iba't ibang hangarin sa Fates and Furies ngayong January 4.

Movies:

Abangan ang all-original Pinoy movies na paparating sa GMA na Family History, #Jowable, Hindi Tayo Pwede, On Vodka, Tears, and Regrets, Mindanao, D'Ninang, Huling Ulan Sa Tag-Araw, The Missing, Coming Home at Isa Pang Bahaghari.

Tunghayan rin ang mga Hollywood blockbuster movies na A Star Is Born, Crazy Rich Asians, Bumblebee, The Nun, Ocean's 8, Mission: Impossible - Fallout, Rampage, Men In Black 4, Charlie's Angels, Jumanji: The Next Level, The Angry Birds Movie 2 at The Meg.

Excited na rin ba kayong mapanood ang mga bagong kuwentong handog ng GMA para sa 2021?

Mapapanood n'yo rin ang video ng mga paparating na shows sa GMA ngayong 2021 DITO.