GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, ipinasilip ang ilang action sequences ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published January 5, 2021 6:19 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Ipinasilip ni Ruru Madrid ang pagsasanay niya para sa ilang maaksiyong eksena para sa seryeng 'Lolong.'

Base sa mga Instagram post ng Kapuso actor na si Ruru Madrid, talagang magiging action-packed and kanyang upcoming action-adventure series na Lolong.

Ruru Madrid

Sa isang maikling video na ibinahagi niya sa Instagram, ipinaslip ni Ruru ang pag-e-ensayo niya para sa ilang action scenes ng serye.

Makikita sa video si Ruru na makikipagbakbakan sa dalawang armadong mga lalaking susugod sa kanya. Ipinamalas niya ang kumbinasyon ng mga suntok, sipa at pati na pagtalon para labanan ang mga ito.

"Lolong Training! Ako si Lolong at malapit niyo ng malaman ang aking istorya!" sulat ni Ruru sa caption ng kanyang post.

Nakatanggap naman si Ruru ng mga pagbati mula sa kanyang mga showbiz friends tulad nina Jon Lucas at Carlo Gonzalez para sa kanyang panibagong project.

Humanga naman ang ilan pang mga kaibigan ni Ruru sa mga moves na ipinamalas niya.

"Pogi ka dito!!!" comment ni beauty queen Michelle Dee.

"Yeahboi!!! " pagsaludo naman ng aktor na si Benj Manalo.

"Congratulations so happy and excited for youuu , !" simpleng mensahe ng kanyang inspiration at girlfriend na si Bianca Umali

Panoorin ang kanyang maaksiyong training session ni Ruru dito:

Isang post na ibinahagi ni Jose' Ezekiel Madrid (@rurumadrid8)


Sa serye, gaganap si Ruru bilang si Lolong, isang binatang may kakayanang makipag-usap sa isang misteryoso at higanteng buwaya.

Nagsimula si Ruru at ang kanyang co-star na si Shaira Diaz sa isang virtual o online training kung saan itunuro sa kanila ang tamang mga kilos at porma para sa mga fight scenes nila.

Gaganap si Shaira bilang ang trained assassin na si Ria sa serye.

Bago mag-Pasko, magkasamang sumabak ang dalawa sa face-to-face training kung saan nagamit na nila ang mga itinuro noon sa online training.

"Nakapag-train ako before pero kailangan mong i-refresh talaga. So, I think iyon po talaga 'yung mahirap. Even 'yung flexibility, mawawala po talaga 'yan. That's why kailangan pong i-workout namin," pahayag ni Ruru sa isang panayam ni Lhar Santiago para sa 24 Oras.

Bukod kina Ruru at Shaira, bahagi din ng serye si Kapuso actress Arra San Agustin na gaganap bilang Nadine, anak ng pulitiko sa bayan nina Lolong.