Showbiz News

Claire Dela Fuente on son's involvement in Christine Dacera case: 'Jinu-judge ka na wala pa naman nakikita, wala pang ebidensya.'

By Aedrianne Acar

Aminado ang veteran OPM singer na si Claire Dela Fuente na sobrang sakit ang nangyayari sa anak niya na si Gregorio Angelo Rafael De Guzman na isa sa mga personalidad na dawit sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sa panayam kay Claire nina Arnold Clavio at Rowena Salvacion sa DZBB program na 'One on one Walang Personalan,' ngayong Miyerkules, January 6, makikita ang hinagpis nito sa dinadanas ng kanyang anak.

Aniya, “Ito siyempre nasasaktan dahil jinu-judge ka na wala pa naman nakikita, wala pang ebidensya. Alam mo yun. 'Yung ganoon napakabigat.”

“Alam mo naman IGAN (Arnold Clavio) na nasa prosecutor's office, so binigay na ng police doon, nag-file na sila, nasa isang regular filing po 'yung ginawa nila, so mangyayari po dito ay mag-aantay kami ng subpoena 'tsaka kami maglalabas ng kanyang affidavit [pertaining to Gregorio].”

Base sa ulat ng 24 Oras, ayon sa Makati police, isa si Gregorio sa kasama ng flight attendant na si Christine sa year-end party na dinaos sa isang hotel sa Makati City noong December 31, 2020.

Sa panayam kay Harold Depositar na Chief of Police ng Makati City sinabi niya, “Well the rest na mga umalis sa hotel nang earlier than usual 'di ba, you're supposed to enjoy the party di ba. Papahinga ka. 'Pag nasa hotel ka you usually used the time given to you until 12 [noon], you ask for extension--Umalis sila, so definitely 'yung flee na yan would suggest na something went wrong and they don't want to get involved.”

Mariin pinabulaanan ni De Guzman ang paratang na iniwan nila si Christine.

Pahayag niya sa 24 Oras, “Nandoon po kami.

“Hindi namin iniwan si Tin [Christine Dacera] until the end, hindi namin iniwan si Tin. Kaya ang sakit noong mga sinasabi nila. Hindi nila alam ang nangyari, tumingin sila sa CCTV nandoon kami!

“Sa police station, sa ospital, sa hotel.”

Dagdag pa ni Gregorio na noong gabi lamang niya nakilala si Christine Dacera nang ipakilala sa kanya ng mga kaibigan na flight attendant din.

Kuwento niya na nauna siya natulog at nagulat sa nangyari kinabukasan.

Dito maiyak-iyak na binalikan ni Gregorio ang mga sumunod na sandali nang sinubukan niyang i-revive si Tin.

“Tsineck ko 'yung ilong ginanun ko [motion with his finger] kung may air na lumalabas wala.

“Tapos tsineck ko kung may heartbeat siya wala din. Sabi ko, 'Tin, babe gising na gising na. please'.”

“Tapos inumpisahan ko mag-CPR."

Dito na siya naging emosyonal, “Tapos isang bandang isip ko bakit ayaw niya gumising. Malambot pa siya, naalala ko binuhat namin siya. Gamit 'yung kamay niya 'yung arms niya palabas ng tub--warm pa siya.

“Kaya akala ko masi-save ko pa siya.”

Naka-panayam din kanina ni Arnold at Rowena si Gregorio at dito dumpensa siya sa kasong rape na pinaparatang sa kanila.

Binigyan-diin ng anak ni Claire na karamihan sa nakasama ni Christine Dacera noong year-end party ay miyembro ng LGBTQIA+ community.

Paglalahad nito, “First of all po, I found it so absurd.

“It doesn't make sense na lahat po kami doon bakla 'yun po ang sinabi sa akin ni Rome at Jao, 'yun po 'yung nakita ko, 'yun po 'yung na-notice ko.”

Dagdag pa ni De Guzman na alam ni Christine na puro gay ang kasama niya sa year-end party at kitang-kita na kumportable ito na kasama silang lahat.

“Si Christine po felt so comfortable in our presence throughout the night.

“Mayroon po ako nakita comment na apparently someone messaged her--Tin made an IG story that night and then someone messaged her, 'Tin mag-ingat ka diyan'

“And then ang reply ni Tin, 'Uy mas babae pa ito kesa sa akin',”

“She knew that we are all gay and we are all gonna take care of her and majority of them, if not all were close to Tin or she'd known for a while now.”

Nanay ni Christine Dacera, umalma sa bashers ng yumaong anak

Sa isang press interview naman, hiningi naman ng pamilya Dacera ang tulong ni Presidente Rodrigo Duterte na maresolba ang kaso ni Christine Dacera.

May pahayag din ang nanay ng namatay na flight attendant na si Sharon Dacera sa bashers na hinuhusgahan ang kanyang anak.

Wika niya, “Okay! You can make your own stories. But, ito lang 'yung tanong ko: ano ba karapatan n'yo para babuyin at patayin ang walang kalaban-laban na babae na nag-iisa.

“Ano'ng karapatan n'yo para…”

Makikita sa report ng 24 Oras na hindi na makapagsalita si Misis Dacera, dahil sa labis na emosyon.

Ipinahayag din ng isa sa mga abogado ng pamilya Dacera na plano nilang i-dispute ang postmortem report na inilabas ng SOCO.

Paliwanag ni Atty. Paolo Tuliao, “We are disputing the findings of the SOCO 'yung postmortem report nila na they claimed na the cause of death was aneurysm--period. They didn't specify doon sa report na 'yung mga hematoma, 'yung mga bruises that were found in the victim's body.

“That is why we seek another postmortem report from an independent medico legal.”

Kilalanin ang ibang personalidad na nakaranas ng aneurysm na inuugnay sa pagkamatay ng flight attendant Christine Dacera.