Showbiz News

Buboy Villar, ginulat ang 'Owe My Love' co-stars sa kanyang hairdo

By Cherry Sun

Halos hindi nakilala si Buboy Villar ng kanyang co-stars sa Owe My Love. Bago kasi umuwi ang aktor mula sa kanilang lock-in taping ay binago nito ang kanyang hairdo.

Mapapansing noong mga nakaraang linggo ay naka-straight back braids si Buboy. Ito kasi ang look ng kanyang character na si Agwapito Guipit o Gwaps na kapatid ng character ni Lovi Poe sa upcoming Kapuso rom-com series.

Ngunit makalipas ang isang buwan at matapos ang unang bahagi ng kanilang lock-in taping, mabilis na inalis ni Buboy ang kanyang extensions.

Aniya, “Kung napapansin ninyo, wala na po 'yung back braid po natin. Kasi siyempre ipinahinga ko naman po 'yung buhok ko at ipapakabit ko na po 'yun next year na po.”

Hindi man 'yun ang kanyang natural at orihinal na buhok, nanibago sa kanya ang kanyang co-stars.

Pagpansin ni Mike “Pekto” Nacua, “Grabe 'yung mukha ni Buboy, hindi ko nakilala. Parang batang maliit lang ulit o. Sarap mag-shampoo? Tingnan mo 'yung mukha mo o, iba. Fresh 'yung mukha mo, fresh. Walang halong bad trip.

Sang-ayon naman sa komedyante sina Divine Tetay at Terry Gian.

Ani Tetay, “Bakit ganyan itsura mo? Mukha ka na naman little boy. Mukha ka na naman sa private school.”

Dugtong naman ni Terry, “'Di ba hindi mo siya mamumukhaan? Sabi ko nga pagdating ko kanina, 'Bakit may bata dito?'

Maliban sa mga nabanggit, kasama rin nila sa Owe My Love sina Aiai Delas Alas, Winwyn Marquez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, Ryan Eigenmann, Kiray Celis, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco at Mahal.

Panoorin ang kanyang vlog dito:

Ngayong buwan, nakatakda muling magsama-sama ang buong cast ng Owe My Love para sa ikalawang bahagi ng kanilang lock-in taping.