GMA Logo Carmina Villarroel
What's Hot

EXCLUSIVE: Carmina Villarroel, aminadong naiyak nang mawalay sa pamilya nang sumabak sa lock-in taping

By Aedrianne Acar
Published January 11, 2021 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Carmina on her lock-in taping experience: “I mean sabihin ng ibang tao OA ako, but very close kami as a family. Bihirang-bihira ako lumayo."

Inahalintulad ng versatile actress na si Carmina Villarroel sa pagiging overseas Filipino worker (OFW) ang naging lock-in taping experience niya para sa pinakabagong afternoon soap na Babawiin Ko Ang Lahat.

Photo taken from Carmina Villarroel s Instagram account

Photo taken from Carmina Villarroel's Instagram account

Makakasama ni Mina sa soap ang ilan sa pinaka-respetadong aktor sa showbiz tulad nina John Estrada at Tanya Garcia-Lapid.

Magiging launching project din ito ni Pauline Mendoza na gaganap sa lead role for the very first time.

Sa exclusive interview ni Carmina na ibinahagi ng GMA Entertainment Group (EG), diretsahan nitong sinabi na mas mahirap ang trabaho sa entertainment industry sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Naging maingat ang GMA Network sa pagsasagawa ng taping ng mga show nito, upang sumunod sa strict health protocols ng gobyerno.

Bukod sa swab testing para sa lahat na makakasama sa production, kailangan tumalima ang cast at crew sa tamang pagsu-suot ng mask at social distancing measure sa mismong shoot.

Nag-implement din ng "bubble" o lock-in taping ang Kapuso Network para maiwasan mahawa ang mga artista at empleyado ng COVID-19.

“Mas mahirap!” bungad ni Carmina sa interview.

Dagdag niya, “Definitely, its harder. To begin with ang trabaho naman natin sa entertainment, hindi lang artista, pero lahat ng nasa industry mahirap na, kasi unang-una sa oras.

“It's not an easy job, di ba sinasabi nila, 'Ay artista yan, easy money.'

“No, no! We really have a tough job, so to begin with ganun na mas doble 'yung hirap kasi for one, mas limited 'yung tao, so mas konti 'yung support group, 'yung tulong-tulong mas konti.

“Tapos pangalawa 'yung lock-in nga you're not with your family unlike pag nag-taping pagka nag-pack up 'yun uwi ka sa bahay mo.”

Halos isang buwan din hindi nakapiling ni Carmina ang mister niya na si Zoren Legaspi at kanilang twins na sina Mavy at Cassy.

Kuwento ng Kapuso actress, “Ito 28 days to a month, mahirap kasi lagi ko sinasabi nafi-feel ko na 'yung nafi-feel ng mga OFW. Sasabihin ng mga iba, napaka-OA mo naman, ang OFW three years, five years, ikaw 28 days.”

“I'm not naman comparing myself, but I know now how they feel, kasi nga ito na 'yung point ko just being away with my family [for] 28 days, hirap na hirap na ako. Umiiyak talaga ako.

“I mean sabihin ng ibang tao OA ako, but very close kami as a family. Bihirang-bihira ako lumayo [o] never pang nakalayo sa pamilya ko ng one month. This is the first time, sabi nga nila there's always the first time.”

Tulad ng hiling ng marami, hangad ni Carmina na matapos ang pandemic at binigyan-diin niya na ayaw niya makasanayan ang ganitong sitwasyon sa mga susunod pang buwan at taon.

“So, but this is so far the new normal for us, e. So, wala naman tayo magagawa. I don't want to get used to this and we are all praying and hoping na by hopefully by this year, two years from now maging okay na ang lahat di ba.

“Pero, 'yun 'yung pinakamahirap 'yung lock-in, 'yung not being with your family and naka-lock in ka na nga mahirap pa 'yung signal.”

Muling balikan ang halos isang buwan na lock-in taping sa Batangas ng cast ng newest afternoon soap na Babawiin Ko Ang Lahat sa gallery below!

Related content:

GMA brings together a powerful cast for upcoming drama series 'Babawiin Ko Ang Lahat'

Tanya Garcia, sa dating on-screen partner na si Dingdong Dantes, "Magiging crush mo rin, e."

EXCLUSIVE: Tanya Garcia-Lapid, may plano nga bang talikuran ang showbiz for good?