Showbiz News

Chef Jose Sarasola, inaming dream come true ang mapabilang sa isang cooking show

By Maine Aquino

Ibinahagi ni chef Jose Sarasola na isang dream come true para sa kanya ang mapabilang sa isang bagong cooking show kung saan maipapakita niya sa mga manonood ang kanyang talento sa pagluluto.

Si chef Jose ay kasama ni Iya Villania sa cooking show ng GMA Network na Eat Well, Live Well. Stay Well.

Kuwento ni Chef Jose sa online press conference nitong January 7, whirlwind ang taong 2020 para sa kanya. Ito umano ang taon na lumipat siya sa GMA Network at kung kailan pumasok ang iba't ibang mga opportunities kahit nasa gitna ng COVID-19 pandemic.

“It's been really a whirlwind year for me. Moving to the GMA family really opened a lot of doors for me. Nag-start siya sa 'Unang Hirit' which I am still doing up to this day pa rin. Other brands have been coming in.”

Photo source:@chefjosesarasola

Inamin ni chef Jose na puno siya ng pasasalamat sa mga patuloy na pumapasok na blessings sa kanyang career.

“I'm really thankful and grateful.”

“On the flip side, kahit papaano the Lord didn't leave me behind. So may mga blessings pa rin na pumasok.”

Binigyan diin rin niya na dream come true ang makapag-host at makapag-luto siya sa isang programa. Masaya rin ang Kapuso star na ang show na Eat Well, Live Well. Stay Well. ay binuo kasama ang isang kilalang brand sa pagluluto.

“Ito na 'yung parang dream come true ko to finally, you know, host a cooking show”

“I'm just really grateful and I really don't take it for granted. I am thankful for the opportunity that the network and, of course Ajinomoto [gave to me], to really showcase 'yung pagka-chef ko talaga, which I really wanted.”

Pag-amin pa ni chef Jose ay natuloy umano ang kanyang plano na magpakita muna ng talento sa pagluluto sa iba't ibang Kapuso shows habang naka-break siya sa pag-arte.

“Medyo nag-take break muna ako sa paga-artista. Now medyo talaga naka-focus na ako sa pagluluto.”

Pagpapatuloy ni chef Jose, “Just grateful for the opportunity that I have now.”

Saksihan ang cooking skills ng Kapuso chef na si Jose Sarasola at ang kanilang tambalan ni Iya Villania sa Eat Well, Live Well. Stay Well. tuwing Biyernes, 11:20 a.m. sa GMA Network.

Tingnan ang mga sweet photos ni Chef Jose kasama ang kanyang girlfriend na si Maria Ozawa sa gallery na ito: