What's Hot

Andre Paras on applying for the PBA Rookie Draft: "I'm chasing my dreams"

By Dianara Alegre
Published January 13, 2021 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Andre Paras


Bukod sa pagpasok sa mundo ng professional basketball, pinaghahandaan din ni Andre Paras ang upcoming comedy-game show na 'Game of the Gens' kung saan isa siya sa hosts.

Off to a great start ang taong 2021 para kay Kapuso actor Andre Paras dahil ngayong taon na niya sisimulang sundan ang yapak ng tatay niyang si Benjie Paras sa pagiging professional basketball player.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Andre na sisimulan na niyang tuparin ang kanyang mga pangarap dahil nag-apply na siya sa PBA Rookie Draft.

“The reason why I decided to apply for that is because I'm chasing my dreams. I've always wanted to play basketball,” aniya.

Andre Paras

Source: andreparas (Instagram)

Dagdag pa ng actor at TV host, nilubos ang oras ng quarantine sa pagte-training sa basketball.

Samantala, hindi lang abala sa pag-eensayo para maging ganap na basketball player si Andre dahil mayroon din siyang upcoming comedy-game show sa Kapuso network, ang Game of the Gens.

Siya ang host dito at co-host niya rito ang aktor at Bubble Gang star na si Sef Cadayona.

Ayon sa dalawa, hindi lang basta game show ang Game of the Gens dahil informative rin ito. Battle of the generations din ito kaya ilang celebrities mula sa iba't ibang henerasyon ang maghaharap-harap sa kumpetisyon.

“May Boomers, may Millennials, Gen Z, Gen X. Very fortunate kami to host sa ganitong klase ng show na pagsasama-samahin namin sila,” ani Sef.

Sabi pa ni Andre, “Hindi lang siya magiging game show. 'Yung mga Kapuso natin na manonood they will learn a lot like ako, born '95, pero mahilig ako sa '60s '70s music. 'Yung iba naman mahilig sa fashion. 'Yung mga tanungan po namin is going to revolve around pop culture of the different generations.”

Dahil sabay ang pagdating ng oportunidad para makapag-host siya ng isang game show at makapasok sa mundo ng professional basketball, nagpapasalamat si Andre sa GMA Network sa pang-unawa at suporta nito sa career niya.

“I know maraming magtatanong, 'Paano 'yan nagsimula na 'Games of the Gens, magba-basketball ka?'

“That's why I'm thankful for GMA, very understanding po sila at the same time you're gonna see me play basketball,” sabi pa niya.

Abangan ang Game of the Gens soon sa GMA News TV!

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.