GMA Logo Shaira Diaz
What's on TV

Shaira Diaz, astig sa kanyang fight scenes para sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published January 14, 2021 12:50 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Ipinasilip ni Shaira Diaz ang training para sa ilang fight scenes sa upcoming series na 'Lolong.'

Sa unang vlog ni Kapuso actress Shaira Diaz para sa taong 2021, ipinasilip niya ang ginawa niyang face-to-face combat training kamakailan.

Paghahanda ito ni Shaira para sa upcoming action adventure series na Lolong. Kasama niya sa training ang co-star na s Ruru Madrid.

Una na silang sumabak sa isang virtual training session kung saan itunuro sa kanila ang wastong porma at mga stance para sa Filipino martial art na Yaw-Yan.

Source: shairadiaz_IG

Nagamit nila ang mga ito sa in-person training nila kasama ang isang team ng martial artists at stuntmen.

Sinimulan ni Shaira ang kanyang vlog sa kanyang paggising. Makikita ang aktres na walang makeup habang binabati ang kanyang mga followers.

Ipinakita din ni Shaira ang paghahanda niya bago tumungo sa isang gym kung saan gaganapin ang training.

"By the way, before kami magkaroon ng ganito, nagpa-swab din kami para sigurado na safe ang bawat isa sa amin, para walang virus kaya okay naman. Safe naman basta siyempre 'wag pa rin tayo magiging kampante sa paligid," pahayag ni Shaira.

Makikita din sa video na nakasuot ng face mask ang mga tao sa training.

Aminado si Shaira na nahirapan siyang huminga dahil dito, lalo na noong nabasa na ito ng pawis matapos ang ilang ehersiyo.

"Nagtanggal ako ng mask kasi sobrang pawis na 'yung mask. Ang hirap! Hindi ako makahinga. Parang nasa-suffocate ako," hingal na sambit ni Shaira.

Ipinamalas naman ni Shaira ang kanyang mga natutunan sa rehearsal ng isang fight scene kung saang sinugod siya ng tatlong armadong lalaki.

Masisilip din ang action scenes ni Ruru sa vlog ni Shaira.

Matapos ang training, ibinahagi ni Shaira na natanggap na niya ang script para sa unang linggo ng Lolong.

"Ito na! For week one ng 'Lolong.' Yehey! Abangan niyo po 'yan guys," aniya.

Bukod dito, ipinangako din si Shaira na susubukan niyang maglabas ng mas marami pang vlogs ngayong taon.

"I will try to be active as much as I can. Medyo bumitaw ako sa pagba-vlog kasi naging busy. Pero ita-try ko pa rin 'pag nagkaroon ng oras," pangako niya.

Panoorin ang training session ni Shaira at Ruru dito:

Sa Lolong, gaganap si Shaira bilang isang trained assasin na si Ria.

Siya ang magiging katuwang ng bidang si Lolong, na role naman ni Ruru, na may pambihirang kakayanan na makipagusap sa isang higanteng buwaya.

Kilalanin pa si Shaira sa gallery na ito: