
Hindi man aminin nang diretso ni Geum Jan-di (Ku Hye Sun) na nagkakagusto na siya sa F4 member na si Yoon Ji-hu, (Kim Hyung Joong) nakikita naman ito sa ikinikilos niya.
Masaya siyang kasama si Ji-hu at kinasasabikan na niya rin ang makita siya sa tambayan o spot kung saan lagi sila aksidenteng nagkikita.
Wala naman siyang nakikitang emosyon mula sa Ji-hu kaya agad niyang pinaniwala ang sarili na hindi naman siya nito magugustuhan lalo na dahil in love pa ang binata sa first love niyang si Min Seo-hyun (Han Chae-young).
Kamakailan ay umwi ng South Korea si Seo-hyun matapos ang ilang taong pamamalagi sa France. Pansamantala lamang ang pag-uwi niya kaya naghanda agad ng malaki at engrandeng welcome party para sa kanya ang F4.
Imbitado sa party ang ilang estudyante ng Shinhwa High School kabilang na si Jan-di.
Dahil pa rin sa pranks ng bullies, napapaniwala nila si Jan-di na costume party ang dadaluhan na taliwas sa glamorous theme ng okasyon.
Dumating si Jan-di na nakasuot ng Wonder Woman costume at naging tampulan na naman ng pang-aalaska at katatawan.
Dahil likas na mabuting tao, papahiramin siya ng damit ni Seo-hyun. Siya rin mismo ang naglagay ng make-up at nag-ayos kay Jan-di. Hindi nagtagal, gaya ng ibang bisita, lumitaw ang ganda ni Jan-di nang matapos ang makeover niya.
Hindi naman mapigilan ni Gu Jun-pyo (Lee Min-ho) na mapahanga sa ganda niya.
Naging mala-fairy tale pa lalo ang experience ni Jan-di sa party nang isayaw siya ng crush niyang si Ji-hu. Hindi maalis sa mukha niya ang ngiti dahil ang lalaking itinitibok ng puso niya ang first dance niya.
Naiinggit ngunit hindi nagpahalata ng nararamdaman si Jun-pyo na lihim na nahulog na rin ang loob kay Jan-di.
Samantala, dahil sa wakas ay kapiling na niya ulit ang first love niya, hindi umaalis si Ji-hu sa tabi ni Seo-hyun. Hindi maitatangging mahal niya ito dahil sa kakaiba niyang mga ngiti na noon ay hindi pa nakita ni Jan-di.
Sa kasamaang-palad, hindi sinasadyang nakita rin ni Jan-di na hinalikan ni Ji-hu si Seo-hyun. Nabigla siya at hindi kaagad na nakagalaw dahil masakit para sa kanya ito.
Buti na lamang ay to the rescue si Jun-pyo na sinamahan si Jan-di sa isang bar para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Kahit in denial si Jan-di, alam ni Jun-pyo na hindi ito madali para sa dalaga. Hindi rin madali ang sitwasyon para sa kanya.
Subaybayan ang Boys Over Flowers mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 ng gabi, sa GMA News TV!
Kilalanin ang cast ng Boys Over Flowers sa gallery na ito: