Natatandaan n'yo pa ba ang dating child stars na binigyang-buhay ang ilan sa mga kilalang teleserye characters na inyong minahal?
Gumanap bilang si Nori, ang matalik na kaibigan ni Crisan (Bianca Umali) sa 'Kambal, Karibal' ang aktres.
Kristel Fulgar bilang young Alwina sa 'Mulawin'
She is now a teen actress and singer.
Kurt Perez bilang young Aguiluz sa 'Mulawin'
Iniwan ni Kurt ang showbiz para mag-migrate sa Australia kasama ang kanyang pamilya.
Paul Salas bilang young Gabriel sa 'Mulawin'
Paul has shed off his child star image and transformed into a teen hottie
Shamel Leask bilang young Aviona sa 'Mulawin'
Shamel is now based in the United States
Kristoffer Martin bilang young Johnny sa 'Endless Love'
Noong 2017, napanood si Kristoffer bilang Libero sa sequel ng telefantasyang 'Mulawin' na pinamagatang 'Mulawin VS Ravena.'
Kathryn Bernardo bilang young Jenny sa 'Endless Love'
Bukod sa pagiging artista, may sariling nail spa business na rin si Kathryn.
Lucho Ayala bilang young Jojo sa 'Endless Love'
Gumanap si Lucho bilang miyembro ng Alpha Team sa 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).' Ginagampanan niya ang karaker ni SSg Alen Eugenio a.k.a. Snoopy.
Joyce Ching bilang young Shirley sa 'Endless Love'
Happily married na ngayon si Joyce sa non-showbiz personality na si Kevin Alimon.
Joshua Dionisio bilang young Cholo sa 'Stairway to Heaven'
Napapanood sa ilang TV guestings si Joshua pagkatapos niyang iwan ang showbiz pansamantala.
Barbie Forteza bilang young Jodi sa 'Stairway to Heaven'
Binigyang buhay ni Barbie ang role na Billie Bendiola sa highly successful primetime series na 'Meant To Be.' Napanood din siya bilang Ginalyn sa GMA Telebabad series na 'Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.'
Jake Vargas bilang young Tristan sa 'Stairway to Heaven'
Patuloy na napapanood sa 'Pepito Manaloto' si Jake bilang si Chito.
Joanna Marie Tan bilang young Eunice sa 'Stairway to Heaven'
Certified mommy na ngayon si Joanna Marie Tan. Isinilang niya ang kanyang anak na si Briella Sasha noong December 2017.
Mona Louise Rey bilang young Carmela sa 'Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw'
Huling napanood si Mona sa isang episode ng 'Tadhana' noong 2018. Sa ngayon, abala siya sa pagba-vlog.
Ella Cruz bilang Tintin sa 'Super Twins'
Bukod sa pagiging artista, sumubok na rin ng car racing si Ella
Si Eunice Lagusad ay nakilala bilang batang Charming sa hit GMA drama series na 'Bakekang' na ipinalabas sa telebisyon noong 2006. Ang dalagang version naman ng kanyang karakter ay ginampanan ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi.
Kasalukuyang napapanood si Eunice Lagusad sa ikalawang season ng television drama series na 'Prima Donnas.'
Napanood si Krystal bilang batang Kristal Maisog, ang kapatid ng karakter ni Eunice Lagusad sa 'Bakekang.' Si Lovi Poe naman ang gumanap bilang dalagang version ng kanyang karakter.
Kasalukuyang abala si Krystal sa pagba-vlog at pagla-live selling.