Narito ang mga eksenang dapat hintayin sa June 27 episode ng GMA Telebabad series na 'My Love From The Star.'
Tuloy ang pagmamanman ni Jackson (Gabby Eigenmann) kay Steffi.
Mapapanood ni Steffi (Jennylyn Mercado) ang isang video mula sa USB ni Rachel.
Hindi inaasahang makikita ni Yuan (Migo Adecer) ang kanilang tatay.
Handa na ba si Minggo (Renz Verano) na bumalik sa kanyang pamilya?
Pansin ni Mr. Jang (Spanky Manikan) ang mga pagbabago kay Matteo.
Deny to death naman si Matteo (Gil Cuerva) na may kinalaman si Steffi dito!
Puro kain lang naman ang ginagawa nina Steffi at Matteo tuwing may "meeting" sila tungkol sa career ng aktres.
Mapapansin ni Matteo na may kakaiba sa teddy bear ni Steffi.
Nasa radar na naman ni Jackson si Matteo.