Showbiz News

Lindsay De Vera, nagsalita na tungkol sa issue sa kanila ni Dingdong Dantes

By Jansen Ramos

Nilinaw ng 21-year-old actress na si Lindsay De Vera na walang katotohanan ang isyung nabuntis siya ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Sa unang pagkakataon, narinig ito mismo kay Lindsay nang makapanayam siya ng social media, radio host, and entertainment writer na si Jobert Sucaldito via phone patch sa online talk show nito noong Lunes, January 25, isang araw bago ang birthday ng aktres.

Sa panayam ni Jobert, deretsahang sinagot ni Lindsay ang kontrobersiyang may kinalaman sa kanila ni Dingdong na nakasama niya sa GMA series na Alyas Robin Hood,

Ani ng Filipino-British actress, "I want to clarify my name as well as Kuya Dingdong's name that we don't have that kind of relationship.

"Wala po kaming gano'ng relasyon.

"Never po ako naging girlfriend or anything ni Kuya Dong and I respect Kuya Dong as a person and as an actor and as a husband and, siyempre, I also respect 'yung wife.

"Hindi po totoo 'yung fake news."

Nagkausap na rin daw sina Lindsay at Dingdong patungkol sa pagkakasangkot nito sa isyung pambubuntis sa kanya bilang respeto sa asawa ng premyadong aktor na si Marian Rivera.

Sambit ni Lindsay, "I don't want na ma-issue pa sila and they are a very sweet couple, and they are a beautiful family."

Hindi na rin daw naapektuhan si Lindsay at kanyang pamilya nang marinig ang chismis.

Ika niya, "Since we all knew the truth, at first, tumawa lang din po kami... at least sa sarili namin, sa sarili ko, alam ko kung ano ang totooo at ano 'yung hindi."

Maikli lang ang naging usapan nina Jobert at Lindsay dahil masama ang pakiramdam ng huli at inuubo. Kaya naman sa huling parte ng panayam, binigyan muli ng batikang showbiz writer ng pagkakataon ang aktres na linisin ang pangalan niya at ni Dingdong.

Muli niyang paglilinaw, "Never akong binuntis ni Kuya Dong and never kaming nagka-relationship. I respect Kuya Dong very much as a person, as a husband, and as an actor."

Panoorin ang buong panayam ni Jobert kay Lindsay sa bandang 23:13:

Unang nakatrabaho ni Lindsay si Dingdong sa 2015 series na Pari 'Koy.

Maliban dito at sa Alyas Robin Hood, ilan lamang sa mga naging proyekto ni Lindsay sa GMA ang mga primetime series na The Better Woman, Encantadia, Poor Senorita, My Love From The Star, at Victor Magtanggol.

Sa ngayon, nag-lie low muna siya sa showbiz para bumalik sa pag-aaral.

Kasalukuyan siyang naka-base sa Pangasinan kasama ang kanyang pamilya.

Samantala, narito naman ang mga artistang ginulat ang publiko sa kanilang pagbubuntis: