
May pre-Valentine's treat sa kanilang fans sina Lolong star Ruru Madrid at Shaira Diaz dahil kakaibang kilig ang hatid ng mga ito nang mag-guest sila sa highest-rating show ng GMA News TV na The Lost Recipe na pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda o MiKel.
Kahit na inanunsiyo nang sila ang magtatambal sa upcoming-action packed series na Lolong, ito ang unang beses na nagkatrabaho ang dalawa.
Source: The Lost Recipe Facebook page
“I can say that she's very supportive. She's very professional even sa throw lines pa lang mafi-feel mo na nandun na siya sa eksena,” paglalarawan ni Ruru kay Shaira.
Sabi naman ng aktres, gentleman si Ruru at nadadala siya sa husay nitong umarte.
“Gentleman siya kasi 'pag 'yung naka-gown may mga scene kasi na naka-wedding gown, so inaalalayan niya naman ako and gusto ko rin 'yung the fact na 'pag nasa eksena kami ang galing niyang um-adlib.
"'Yung mga adlib kasi talaga minsan 'yun talaga 'yung magdadala sa eksena, e,” aniya.
Ayon kay Shaira, nanonood siya ng The Lost Recipe at kinikilig siya sa tambalan ng dalawa. Ngayong nakatrabaho niya na ang mga ito, may napansin daw siyang kakaiba sa kanila.
“Ang sweet nila. Ang sweet nilang dalawa. Feeling ko may something 'yung dalawang 'yon!” kinikilig niyang sabi.
Dagdag pa niya, “May tent 'yung boys may tent 'yung girls. Nagulat ako may dalang food si Kelvin. Kailangan sabay kumain?”
Ruru Madrid, Shaira Diaz, Mikee Quintos, at Kelvin Miranda / Source: The Lost Recipe Facebook page
Kilalanin ang cast ng The Lost Recipe sa gallery na ito:
Samantala, may kasunod na agad ang guesting nila sa The Lost Recipe dahil may appearance din sina Ruru at Shaira sa I Can See You series soon.
“I am very excited to work with Shaira again na medyo mas matagal na. kumbaga bwelo bago mag- 'Lolong.' And nabasa ko 'yung synopsis ng character and 'yung story, sobrang iba rin sa ginagawa ko. Madrama 'to,” sabi ni Ruru.
Habang hindi pa nagsisimula ang lock-in taping para sa Lolong ay tuluy-tuloy ang kanilang traning para sa mga maaaksyon nilang eksena.
Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.