GMA Logo glaiza de castro and david rainey
What's Hot

Glaiza De Castro bursts into tears as she talks about fiancé David Rainey

By Dianara Alegre
Published February 3, 2021 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro and david rainey


Hindi napigilang maiyak ni Glaiza de Castro nang mapag-usapan ang fiancé niyang si David Rainey, “Ang saya lang ng feeling tapos biglang babalik ka ulit sa reality na wala na ulit."

Nakabalik na ng Pilipinas si Kapuso star Glaiza De Castro, pero bago siya nakauwi ay na-hold daw siya sa airport ng Abu Dhabi dahil expired na ng dalawang oras ang kanyang swab test result.

Dahil dito ay natakot daw ang aktres na hindi siya pasakayin sa eroplano pauwi ng Pilipinas.

Glaiza De Castro

Source: glaizaredux (Instagram)

“Ang ginawa po nung staff tinawagan 'yung staff na nasa Manila, tumawag sa Abu Dhabi and after mga 30-40 minutes sinabi na okay na daw,” kwento ni Glaiza nang makapanayam ni Kapuso reporter Lhar Santiago para sa 24 Oras.

Ligtas at naging maayos ang flight niya per pagdating sa bansa ay muli siyang na-hold kasama ang iba pang non-OFW passengers.

Matapos ang halos isang oras na paghihintay, pinapunta na sila sa facility kung saan sumailalim siya sa swab test kasama ang iba pang mga pasahero.

“Dalawang beses sa throat, dalawang beses sa nose. After that pumunta na po kami sa baba and may mga nag-a-assist po and thankful ako na maraming nag-a-assist dun,” sabi pa niya.

Pagkatapos nito ay dumiretso ang aktres sa hotel kung saan siya nag-quarantine.

Hindi raw naging madali sa kanya ang ilang araw na quarantine pero nakatulong sa kanyang ang oras na inilaan niya sa kanyang online work.

“Every time na iniisip ko na ilang araw pa, parang minsan naa-anxious na gusto ko na lumabas.

"Pero dahil nga may meron akong online work like 'yung presscons na ginagawa ko online, mga script reading, medyo nawawala 'yun sa isip ko,” aniya.

David Rainey at Glaiza De Castro

Source: david_rainey89 (Instagram)

Ngayong nakauwi na si Glaiza, hindi raw niya maiwasang malungkot sa tuwing maaalala ang fiancé niyang si David Rainey, lalo na ang kanilang pagpapaalam sa isa't isa matapos ang mahigit isang buwan nilang pagsasama sa Ireland.

Matatandaang lumipad patungong Ireland ang aktres noong December para doon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon para makasama ang noon ay boyfriend pa lamang at pamilya nito.

Doon din nagpro-propose ng kasal si David kay Glaiza kaya napakahalaga ng trip niyang iyon.

Samantala, hindi naman napigilan ni Glaiza na maging emosyonal nang mapag-usapan si David.

“Ang saya lang ng feeling tapos biglang babalik ka ulit sa reality na wala na ulit, 'yung ganun. Babalik na naman kayo dun sa dati n'yong gawi,” naluluhang sabi ni Glaiza.

Panoorin ang kabuuan ng interview sa video sa itaas o sa link DITO.

Samantala, sa kanyang interview noong December, ibinahagi ng aktres na hindi gaganapin ngayong taon ang kanilang kasal.

“Definitely hindi pa sa 2021 pero baka after na po. We're still taking our time.

"Hindi naman kami masyadong nagmamadali especially may mga work pa na nag-aantay na.”

Kahit wala pang konkretong petsa ng kasal ay sigurado naman daw sina Glaiza at David na sa Pilipinas idadaos ang event.

“Sa Philippines pero I would say na very simple lang kasi simple lang naman kami pareho.

"It's definitely not gonna be a grand wedding. Basta nandu'n lahat ng mga importanteng tao, friends, and family. 'Yun na 'yon,” aniya.

Kilalanin ang Irish fiancé ni Glaiza De Castro na si David Rainey sa gallery na ito: