Showbiz News

GMA Afternoon Prime shows, record-breaking ang ratings!

By Cara Emmeline Garcia

Taos puso ang pasasalamat ng Kapuso network sa mga tumatangkilik ng shows na nasa GMA Afternoon Prime block dahil record breaking ang ratings na natatanggap nito ngayon!

Ayon sa NUTAM People Ratings, noong Huwebes, February 4, nangunguna ang drama series na Prima Donnas na nakakuha ng 13.4%, pumapangalawa naman ang TV adaptation ng 1989 award-winning blockbuster movie na Bilangin ang Bituin sa Langit na may 10.7%.

Hindi naman papatalo ang dramang Magkaagaw na may 9.7% sa nasabing People's Ratings chart.

Sa kasalukuyan, umeere ang fresh episodes ng Prima Donnas na binibidahan nina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, at Chanda Romero.

Bagong bagong episodes din ang ineere ng Bilangin ang Bituin sa Langit na binibidahan ni Superstar Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara, at Zoren Legaspi.

Pansamantalang ipinapalabas naman ang recap episodes ng Magkaagaw bago pa muna ipalabas ang panibago nitong mga eksena simula February 15. Dito gumaganap ang acclaimed actresses na sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz kasama sina Klea Pineda at Jeric Gonzales.

Mga Kapuso, maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik ng aming mga programa!