GMA Logo Ahn Hyo-seop, Han Suk-kyu, at Lee Sung-kyung
What's Hot

'The Romantic Doctor 2,' mapapanood na simula ngayong gabi!

By Dianara Alegre
Published February 8, 2021 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Ahn Hyo-seop, Han Suk-kyu, at Lee Sung-kyung


Abangan ang award-winning na pagganap nina Han Suk-kyu bilang si Master Kim, Ahn Hyo-seop bilang si Dr. Wesley So, at Lee Sung-kyung bilang si Dr. Emily Cha sa 'The Romantic Doctor 2' ngayong gabi, February 8, 10:20 p.m., sa GMA.

Mapapanood simula ngayong gabi February 8 ang much-awaited multi-awarded South Korean series na The Romantic Doctor 2.

Ang serye ay pinagbibidahan ng renowned actor na si Han Suk-kyu na gaganap bilang si Dr. Daniel Boo o Master Kim, ang hinahangaang doktor ng Doldam Hospital. Tampok din dito ang tambalan ng award-winning actors na sina Ahn Hyo-seop at Lee Sung-kyung.

The Romantic Doctor 2

Gaganap si Ahn Hyo-seop bilang si Dr. Wesly So, ang 2nd year general surgery fellow na mayroong masalimuot na nakaraan. Bukod dito, kinaiinisan din siya ng mga kapwa niya doktor dahil sa pagiging whistleblower niya.

Si Lee Sung-kyung naman ang gaganap sa karakter ni Dr. Emily Cha, ang 2nd year cardiac surgery fellow na determinadong maging matagumpay na doktor. Gayunman, mayroon siyang anxiety/panic disorder sa tuwing magkakaroon ng operasyon.

Bukod sa kanila, may special appearance din dito ang Filipina actress na based sa South Korea, si Cherish Maningat na mahigit isang dekada na ring nakatira sa bansa.

Cherish Maningat kasama sina Lee Sung kyung at Han Suk kyu

Cherish Maningat kasama sina Lee Sung kyung at Han Suk kyu

Source: cherish_unni (Instagram)

Ito ay sequel ng seryeng The Romantic Doctor na unang umere sa GMA Network noong 2017.

Abangan ang pagbabalik ni Han Suk-kyu bilang Master Kim at ang award-winning na pagganap nina Ahn Yeo-seop at Lee Sung-kyung sa The Romantic Doctor 2 simula ngayong gabi, February 8, 10:20 p.m., pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA.

Samantala, kilalanin ang ibang cast ng serye sa gallery na ito: