GMA Logo Kiray Celis and her parents
What's Hot

Kiray Celis, niregaluhan ng money bouquet ang mga magulang

By Cherry Sun
Published February 14, 2021 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis and her parents


Ang galante talaga ni Kiray Celis! Kung hindi lang din money bouquet ang matatanggap ko ngayong Valentine's Day, salamat nalang sa lahat.

Uso ang pagreregalo ng bouquet of flowers ngayong Araw ng mga Puso, pero sa ibang pamamaraan ipinakita ni Kiray Celis ang kanayng pagmamahal para sa kanyang mga magulang. Sa halip na bulaklak kasi, ay bouquet ng P100 bills ang iniregalo niya.

Kiray Celis and her parents

Bilang isang anak at artista, laging pamilya ang priority ni Kiray. Sa katunayan, dahil sa kanyang pagpupursigi sa showbiz ay nabihan niya ng sariling bahay ang kanyang pamilya. Madalas din niyang sorpreashin ng iba't ibang regalo at money cake ang kanyang mga magulang.

At ngayong Valentine's Day, muli niyang binigyan ng regalo ang kanyang mga magulang in true Kiray fashion. Binigyan niya ang kanyang ama at ina nag tig-isang money bouquet na puno ng P100 bills.

Aniya, “Happy happy Valentine's day, Mama and Papa. Hindi man ako perpektong anak, pero ibibigay ko lahat ng kaya ko, guminhawa lang ang buhay n'yo. Salamat sa walang sawang suporta, pagmamahal at pag-iintindi sa akin. Mahal na mahal ko kayo. Next time, tig P1k na 'yan lahat. Pagpasensyahan niyo na? 'Yan lang nakayanan ko. HAHAHAHAHAHAHAHA! Maraming salamat @thinkingoutloveflower sa pag gawa ng MONEY BOUQUET nila mama!”

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Malayo si Kiray sa kanyang mga mahal sa buhay ngayong Araw ng mga Puso dahil nananatili ang komedyante sa lock-in taping ng Owe My Love.

Maliban sa kanyang mga magulang, ipinaramdam din niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang boyfriend na si Stephan Estophia.

Ibinahagi niya ang kanilang larawan sa Instagram.

Aniya, “Sabi nila malalaman mo daw na nagmamahal ka na kapag nasasaktan ka na.. ha? Seryoso? Kasi ang tunay na nagmamahal sa'yo, kailanman hindi ka hahayaang masaktan. 1 year & 2 months.. sa tagal nun never mo pa akong pinatulog nang malungkot, never mo ako pinaiyak. Never ka nagsinungaling. MASASABI KO NA NAHANAP KO NA YUNG KAGAYA NG PAPA KO!!! Happy happy monthsary and happy happy valentine's daddy @stephan.estopia.”

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Kilalanin ang iba pang mga lalaking naging bahagi ng buhay ni Kiray sa gallery sa ibaba: