GMA Logo Abdul Raman
What's on TV

Abdul Raman, aminadong may takot sa 'Legal Wives' co-star na si Cherie Gil

By Marah Ruiz
Published February 17, 2021 6:39 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Abdul Raman


Bukod sa pagiging co-star ni Abdul Raman sa 'Legal Wives,' nagsilbi ring judge si Cherie Gil sa 'StarStruck Season 7.'

Itinuturing ni StarStruck Season 7 alum at Kapuso actor Abdul Raman na isang karangalan ang mapasama sa cast ng upcoming cultural drama series na Legal Wives.

Bukod kasi sa pagpapakita nito ng kultura ng mga Muslim, partikular ng mga Maranaw, pagkakataon din ito ni Abdul na makatrabaho ang beteranang aktres na si Cherie Gil.

Isa si Cherie sa mga nagsibling judges sa StarStruck Season 7 kung saan sumali si Abdul at matagumpay na naging isa sa mga produkto nito.

Pero bago pa man niya makilala si Cherie sa artista reality search, aminado si Abdul na may takot siya sa aktres.

Naikuwento niya ang tungkol dito sa isang episode ng Kapuso ArtisTambayan na idinaos noong February 11 kasama ang Legal Wives co-stars niyang sina Bianca Umali at Ashley Ortega.

"Noong bata ako, when I was like three years old at nandito pa ko sa 'Pinas, nakikita ko si Ms. Cherie on TV sa GMA noon pa. Talagang takot na takot ako sa kanya. Pinu-push ako ng mga relatives ko na 'Abdul, mag-artista ka.' Nasa isip ko, 'Eh 'di mami-meet ko si Ms. Cherie.' Sabi ko, 'No. Ayoko mag-artista. Sasampalin niya 'ko,'" kuwento ni Abdul.

Source: abdulraman23_ Instagram

Nawala na daw ang takot na iyon ngayong mas nakilala na niya ang award-winnig actress.

"Basta takot na takot ako sa kanya noon. Years pass, now we're here working with her, nawala 'yun takot. 'Yung common misconception kasi is si Ms. Cherie, ganoon (kontrabida) din siya in person. Pero no, she's like the sweetest person I know in this cast," aniya.

Para na rin daw isang ina ang turing ni Abdul kay Cherie.

"She's like a second mother to me, parang ganoon na rin ang turing ko sa kanya. She's a really really nice person and I love her to bits. I would really really love to work with her again in a future teleserye," pahayag ng aktor.

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Maranaw ang tatlong magkakaibang babae para sa iba't ibang dahilan.

Bibida sa serye sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at mga aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Bahagi din ng Legal Wives sina Al Tantay, Irma Adlawan, Shayne Sava, Ashley Ortega at marami pang iba.

Samantala, silipin ang unang araw ng taping ng Legal Wives sa gallery na ito: