
Nagsimula nang mapanood sa streaming platform na Netflix ang one-of-a-kind drama anthology na I Can See You, na pinagbidahan ng mga bigating stars ng GMA Network.
Binubuo ng apat na weely series ang I Can See You--ang “Love on the Balcony,” na pinagbidahan nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Pancho Magno; ang “The Promise,” na tinampukan nina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi; ang “High-Rise Lovers,” na pinagbidahan nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Winwyn Marquez; at ang “Truly. Madly. Deadly.,” kung saan tampok sina Rhian Ramos, Dennis Trillo, at Jennylyn Mercado.
Ayon kay Yasmien, ito ang unang beses na na-feature ang ginawa niyang proyekto sa Netflix.
“Nakaka-proud po 'yung mapalabas po siya doon and it's my first time po ha na mapalabas doon.
"I don't usually do short films. Madalas na ginagawa ko puro teleserye kaya sa mga hindi nakanood ng I Can See You: The Promise, this is your chance to watch it on Netflix,” lahad ni Yasmien nang makapanayam ng 24 Oras.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa aktres noong Oktubre nang nakaraang taon, sinabi niyang confident siyang “Netflix-worthy” ang I Can See You, at nagkatotoo ang pahayag niya.
“How confident? Pang-Netflix! 'Yung color effect niya, makikita mo lahat ng eksena namin pang-Instagram.
“Actually, nu'ng nabasa namin 'yung script, lahat kami natuwa sa istorya. Sa rami ng nagawa naming soap, kakaiba itong materyal na nabigay sa amin.
“Lalo pa kaming naging confident nung nakita na nga namin 'yung mga materyal kasi kami mismo nagulat, kami mismo na-amaze, natuwa,” aniya.
Source: yasmien_kurdi (Instagram)
Samantala, siniguro naman ni Paolo sa publiko na maganda ang “The Promise,” gayundin ang tatlo pang weekly series na tampok sa I Can See You.
“I can assure everyone na maganda 'yung ginawa namin not just our episode but the four episodes of I Can See You. Talagang pinaghandaan naming 'yan kahit during the pandemic,” aniya.
Source: paolo_contis (Instagram)
Proud din si Rhian, bumida sa ikaapat na installment, ang “Truly. Madly. Deadly.,” sa achievement ng programa.
“Direk was very particular about the quality, the shots, the style sa story-telling, and ginawa niya yun clear sa aming lahat,” anang aktres.
Source: whianwamos (Instagram)
Bukod sa Netflix, maaari ring mapanood nang libre ang I Can See You sa gmanetwork.com at sa GMA Network mobile app.
Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.
Samantala, silipin ang ilang eksena sa unang episode ng I Can See You, ang "Love on the Balcony":