
Naging usap-usapan na naman ng internet ang namamagitang relationship nina Kapuso actor Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil sa mga bagong larawan na ibinahagi ng kanilang kaibigan na nagsa-suggest na sila ay “more than friends.”
Sa Instagram Story ni Gerry Santos, username @mrfreezeice, nakikita ang dalawa na magkasamang nage-ehersisyo sa bahay ni Derek kasama ang caption na, “Galing… in love ang bff ko @ramsayderek07 kay @maria.elena.adarna pero talo sa jumping rope.”
Sa mga sumunod na larawan, isinaad ni Gerry na “perfect match” ang isa't isa at ibinahaging “so happy for both of you!” na may kasamang heart at hug emojis.
Marami nang beses napag-uusapan ang Derek-Ellen tandem sa social media simula nang kumalat ang videos ng dalawa na tila kumportable sa isa't isa sa isang intimate dinner party.
Ang photos at videos na ito ay kinunan at ibinahagi ng kanilang common friend na si Ruffa Gutierrez.
Noon, nilinaw ni Ellen na hindi niya tipo si Derek at sinabing, “Actually, 'di man si Derek 'yung gusto ko…”
Dagdag pa niya ay nakatira lamang sila sa iisang vilage at halos magkalapit lamang ang mga bahay nila.
Itinanggi rin ng Kapuso hunk ang sabi-sabing nililigawan n'ya si Ellen noon.
Sa isang interview, ipinaliwanag ni Derek na inimbitahan niya ang aktres, si John Estrada, at ang production crew ng kanilang upcoming show sa naganap na handaan at sinabing hindi niya inexpect na mapaguusapan sila ni Ellen.
Ngunit noong nakaraang linggo, magkasama ang dalawang aktor sa isang road trip vacation sa Lake Caliraya sa Laguna.
Nagbahagi ng ilang litrato sina Derek at Ellen sa kani-kaniyang Instagram accounts kasama ang anak ni Ellen na si Elias Modesto.
Source: maria.elena.adarna (IG) and ramsayderek07 (IG)
Sa ngayon, wala pang inihahayag na real score sina Derek at Ellen sa press o sa publiko.
Tingnan kung paano nagsimula ang Derek-Ellen tandem sa gallery na ito: