GMA Logo derek ramsay ellen adarna elias adarna cruz
What's Hot

Derek Ramsay goes on a road trip with Ellen Adarna, son Elias

Published February 19, 2021 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

derek ramsay ellen adarna elias adarna cruz


Ellen Adarna on "mambobola" tag about Derek Ramsay, "[Dito] na lang tayo sa gwapo, 'di pa masyadong lugi."

Muling naging usap-usapan ang pagkakamabutihan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil sa bagong larawan na ibinahagi ng una sa kanyang Instagram Story ngayong Biyernes, February 19.

Sa naturang post, makikita si Derek kasama si Ellen at ang two-year-old niyang anak na si Elias sa loob ng isang sasakyan.

Dito ay nakasulat ang mga salitang "ROAD TRIP!!!" at "#LASLAS"

Ang parehong larawan ay ibinahagi rin ni Ellen sa kanyang Instagram Story,.

derek ramsay ellen adarna elias adarna cruz

Bago ito, nakasama rin ni Derek ang mag-inang sina Ellen at Elias sa Anilao, Batangas noong January. Kasama rin nila noon ang ilang kaibigan.

derek ramsay ellen adarna in batangas

Conflicting statements?

Nagsimula ang dating rumors tungkol kina Derek at Ellen nang kumalat sa internet ang videos nilang tila kumportable sa isa't isa sa isang intimate dinner party na hosted ng aktor noong January 11.

Ang mga naturang videos ay ipinost ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram Story.

Magkakasama sa isang show sina Ellen, Ruffa, at ang matalik na kaibigan ni Derek na si John Estrada, na nasa naturang party rin.

Nang lumabas ang isyu na ito, sinabi ni Ellen na hindi niya tipo si Derek.

Sabi niya sa isang comment, "Actually, di man si derek ung gusto ko..."

Pero nag-iba na kaya ang pagtingin ni Ellen kay Derek?

Kamakailan, sa isang post ng aktres, kung saan nag-reply ng clap emojis si Derek, isang netizen ang nagsabi sa aktor, "Hanap ka ng ibang mabobola mo boy [laughing emoji]."

Isang fan naman ang sumagot, "Kung c derek ramsay lang naman ang mambobola why not? nyahahahahaha [laughing emojis]."

Dito, sumang-ayon si Ellen at pabirong nag-comment, "Diba nag papabola nga tayo minsan sa pangit eh... dto nalang tayo sa gwapo di pa masyadong lugi looool [laughing emoji]."

Comments of netizens

Sa ngayon, wala pang ibang malinaw na pahayag sina Derek at Ellen tungkol sa real score sa pagitan nila.

Samantala, tingnan kung paano nagsimula ang pagkakamabutihan nina Derek at Ellen sa gallery na ito: