
Dagdag good vibes ang hatid ng mga tinig nina Kapuso Diva Aicelle Santos, The Clash Season 2 grand champion Jeremiah Tiangco, at Kapuso girl group XOXO dahil sila ang mga napiling kumanta ng theme song ng bagong news ang general entertainment channel na GTV.
"Keeping It Good" ang titulo ng theme song ng GTV na isinulat ni Jonathan Fulgencio at composed by Natasha Correos.
Binisita ng GMANetwork.com sina Jeremiah at XOXO sa kanilang recording noong nakaraang linggo at makikita sa mga larawang ito ang kanilang excitement sa kanilang bagong proyekto. Ang new mom naman na si Aicelle ay nagkaroon ng at-home recording.
Sa aming panayam kay Jeremiah, nagpasalamat siya sa opportunity na ibinigay sa kanya ng GMA na awitin ang theme song ng GTV.
Kuwento niya, "Sa sobrang dami po ng artist dito sa GMA, of all people na kumakanta dito sa GMA, isa ako sa mga napili. And knowing na kasama ko si Ate Aicelle and, siyempre 'yung XOXO, sobrang honored and priviledged."
Blessed din daw si Jeremiah dahil nabigyan siya ng raket ngayong pandemic, kung kailangan limitado ang events.
Dugtong niya, "Alam n'yo naman pandemic, ang daming naghahangad na mapunta sa ganitong posisyon during these times kaya sobra-sobrang pasasalamat ko po and sobrang blessed and overwhelmed, at the same time."
Nang tanungin namin kung anong paborito niyang linya sa "Keeping It Good," sagot ni Jeremiah, "Good times, good vibes, everything's gonna be light."
Aniya, nakaka-relate daw siya sa linyang ito.
Ika ng soul singer, "Dahil pandemic nga, maraming nagkakaroon ng depression at anxierty. Siyempre, 'yung problem sa work, problema sa kung ano man 'yan. Lalo ngayon 'pag naka-stock ka sa bahay, naiisip mo 'yung bagay-bagay bakit nangyayari.
"Kailagan good vibes ka lang lagi kapag lagi mong iniisip 'yung mga bagay na nangyayari sa 'tin ngayon, sobrang mada-down ka. And everything's gonna be light, kung ikaw namomroblema ka ngayon or nasa dark times ka, lagi mong tandaan, and'yan si Lord who brings light to us sa bawat araw."
Samantala, ang mga linyang "be yourself, don't worry, be happy" naman ang tumatak para sa XOXO dahil ito raw ang kanilang motto in life.
Bahagi ni XOXO Riel, "Palagi naming sinasabi na just be in the moment, do your thing. Bahala na 'yung sinasabi ng iba as long as your're happy and you make other people happy."
Pakinggan ang mga tinig nina Aicelle, Jeremiah, at XOXO sa station ID ng GTV:
Sina Aicelle, Jeremiah, at XOXO ay produkto ng GMA singing competitions.
Itinanghal na second runner up si Aicelle sa second season ng Pinoy Pop Superstar.
SI Jeremiah ay grand champion sa second season ng The Clash at mga graduate naman ng first season na nasabing singing competition ang mga miyembro ng XOXO na si Riel, Lyra, Dani, at Mel.
Kilalanin ang iba pang singing competitions alumni rito: