Showbiz News

Liezel Lopez, handa na bang maging cover girl ng men's magazine?

By Cara Emmeline Garcia

“Well, yes. For me, magiging challenging 'yon. And I love to be challenged, so why not? Let's go!”

Ito ang sagot ni Kapuso actress Liezel Lopez nang tanungin siya ni GMA Regional TV host Ara Hanesh kung handa na raw ba siyang mag-pose at maging cover girl ng isang men's magazine.

Kilala kasi ang StarStruck alumna sa kanyang magandang pangangatawan at mukha kaya naman hindi nakakagulat kung maging cover girl siya sa hinaharap.

Kuwento pa niya kay Chika Minute news anchor Lhar Santiago, gusto niyang magkaroon ng public image bilang isang “sexy kontrabida.”

Aniya, “Challenging din 'yun sa 'kin na ang wish ko is sana mapakita ko pa ang aking sexiness. Ibig sabihin mayroon na akong goals na mas lalong galingan, magpa-sexy pa.”

Speaking of kontrabida, gumaganap ngayon si Liezel bilang si Trina Espejo, ang kontrabida sa GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Kuwento ni Liezel maraming dapat abangan ang mga manonood sa kanyang karakter at excited na siyang mapanood ang mga susunod na episode ng teleserye.

“Matutuwa kayo sa character ko kasi hindi siya yung typical na kontrabida. Maraming twists and you don't know what's going to happen so tumutok po kayo.”

Panoorin ang buong panayam ni Ara Hanesh kay Liezel Lopez sa video na ito:

Maliban sa Babawiin Ko Ang Lahat isa si Liezel sa mga confirmed cast ng upcoming live-action adaptation series na Voltes V: Legacy.

Kilalanin ang mga makakasama n'ya sa gallery na ito: