advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Silipin ang mansyon at malawak na sakahan ni Roi Vinzon sa Pampanga!

1 of 19

Roi Vinzon

Apat na dekada na ang karera ng kilalang beteranong action star sa Philippine showbiz. Sa likod ng kanyang mabagsik na imahe, lumaki siya bilang isang magsasaka.

2 of 19

Simpleng buhay

Malayo sa ilaw at ingay ng showbiz, buhay probinsyano ang 65-year-old actor sa Pampanga kung saan siya lumaki kasama ang kanyang mga magulang.

3 of 19

Kabuhayan

Namana niya ang pagiging magsasaka sa kanyang mga magulang at nakapagtanim na siya ng palay, tubo, at mais

advertisement
4 of 19

Sakahan

As far as your eyes can see daw ang lupain ng pamilya ni Roi sa probinsya.

5 of 19

Rhea Santos

Tinuruan pa ni Roi ang host ng 'Tunay na Buhay' kung paano hinahanda ang pagtatanim ng palay.

6 of 19

Lupain

Kapag malambot na ang lupa, pwede nang itatanim ang palay. Maari na rin itong anihin sa loob ng tatlo't kalahating buwan.

advertisement
7 of 19

Farm

Ganito ang magiging hitsura ng sakahan na may tanim, ayon sa ating actor-slash-farmer.

8 of 19

Famer

Masaya ang 'Mulawin VS Ravena' star sa kanyang pamumuhay sa probinsya, “Pagdating ko dito, may peace of mind ako.”

9 of 19

Bahay

Dito lumaki ang actor sa kanilang bahay sa Pampanga at ito ay nagsisilbing ancestral home ng kanyang pamilya.

advertisement
10 of 19

House

Pagpasok pa lang sa kanilang tahanan ay makikita na kaagad ang napakakulay na interiors.

11 of 19

Ancestral home

Punong-puno ng alaala ang bahay ng mga David na itinayo noong 1925.

12 of 19

Sala

Bumungad sa receiving area ang mga posters ng mga pelikula na nagawa ng beteranong aktor.

advertisement
13 of 19

Action star

Pinakakilalang action star ng dekada nobenta ang mestizo na aktor na nagsimula bilang isang modelo.

14 of 19

Family

Makikita rin sa sala ang mga litrato ng kanyang pamilya at mga anak.

15 of 19

Father

Tatlong babae at isang lalaki ang anak ni Roi. Umaasa rin siya na ang kanyang panganay na si Isabela at bunsong anak na si Tom ay sumunod sa kanyang yapak sa showbiz.

advertisement
16 of 19

Kids

Very protective umano si Roi sa kanyang mga anak na babae.

17 of 19

Tom at Jam Vinzon

Busy man ang aktor sa kanyang showbiz commitments, hindi niya nakakalimutan ang kanyang pamilya. “Mabait” at “matulungin” raw ang kanilang Papa Roi.

18 of 19

Tunay na Buhay

Aminadong isang "don romantiko" umano si Roi sa kanyang asawa at hands-on-dad naman sa kanyang mga anak.

advertisement
19 of 19

Aral ng buhay

Ito ang masasabi ni Roi upang humaba ang iyong karera sa showbiz, “Be professional kasi attitude ang una sa akin eh. Kahit magaling ka [pero] masama ang attitude mo towards people, aalisin ka rin.”