GMA Logo Dingdong Dantes
What's Hot

Dingdong Dantes, pinarangalan sa 5th Film Ambassadors' Night at 5th GEMS Hiyas ng Sining Awards

By Jansen Ramos
Published March 2, 2021 8:04 PM PHT
Updated March 3, 2021 10:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking nag-trespassing umano, patay matapos suntukin ng dating katrabaho
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Back-to-back ang panalo ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa katatapos lamang na 5th Film Ambassadors' Night (FAN) at 5th GEMS Hiyas ng Sining Awards.

Sa pagsismula ng 2021, patuloy ang pag-ani ng mga parangal ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Kamakailan lang ay nakatanggap ang aktor ng dalawang tropeyo mula sa magkaibang organisasyon para sa kanyang kontribusyon sa pelikula at telebisyon.

Bilang lider ng samahan ng mga artista na AKTOR, kinilala si Dingdong ng 5th Film Ambassadors' Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong February 28 bilang Cinemadvocate na nagmamalasakit sa mga TV and film worker.

Pahayag niya, “Sobrang nakakataba po ng puso na makatanggap ng ganitong recognition.

“Na-consider ko po itong trabahong ito and, of course, His blessings, as an opportunity to reach out to others and help in transforming their lives.

“Kaya iyong mga humanitarian and charitable initiatives through the YES Pinoy Foundation, sa Dingdong PH, AKTOR, and my various involvements, these are humble contributions to my fellow Filipinos who have warmly embraced me and my family all throughout these years."

Dugtong pa niya, "I will also be able to pass on this commitment hindi lang sa aming partners and beneficiaries, pero, siyempre, sa aking mga anak na rin."

Ginawaran naman siya ng Best Performance by an Actor in a TV Series ng Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) sa katatapos lang na 5th GEMS Hiyas ng Sining Awards noong March 1.

Ito ay para sa karakter ni Dingdong sa Descendants of the Sun (Philippine Adaptation) bilang si Capt. Lucas Manalo, o Big Boss.

Sa kanyang speech, mensahe ng Kapuso star, "To GEMS, to the Guild of Educators, Mentors, and Students, maraming marami salamat po sa inyong recognition at sa parangal na ito.

"Gusto ko lang sabihin na sobrang saya ko po dito sa binigay niyo sa akin.

"Aaminin ko na nakakagana po talaga at nakaka-inspire na magkaroon ng mga ganito dahil siyempre sa panahon ngayon, maraming uncertainties.

"But because of that, mas gaganahan ako na gawin pang lalong maigi ang aking trabaho of telling stories."

Samantala, isa si Dingdong sa mga pinuri ng GMA Network CEO and Chairman na si Atty. Felipe L. Gozon dahil sa kanyang pagganap sa Descendants of the Sun (Philippine Adaptation).

Ayon sa isang memorandum, hanga ang GMA CEO hindi lang sa cast ng serye, pati na rin sa mga staff at crew nito dahil sa ipinakita nilang dedikasyon habang ginagawa ang serye sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pinuri rin ni Atty. Gozon ang pagkakapanalo ng Descendants of the Sun (Philippine Adaptation) bilang 'Most Popular Foreign Drama of the Year' sa Seoul International Drama Awards. Ang Seoul International Drama Awards din ang nagbigay kay Dingdong ng kanyang unang international award--ang Asian Star Prize.

Nagpahayag din ng pagbati si Atty. Gozon sa mga bumubuo ng Descendants of the Sun (Philippine Adaptation) bilang ito ang unang Kapuso series na kwalipikadong maipalabas sa on-demand streaming platform na Netflix Philippines.

Sa ngayon, pinagtutuunan ni Dingdong ng pansin ang kanyang delivery app business na Dingdong PH hangga't hindi pa sya abala sa mga proyekto sa telebisyon.

Samantala, narito ang iba pang celebrities na naglunsad ng negosyo ngayong pandemya: