What's Hot

Mikael Daez, sino ang pipiliin kina Adelle at Kelly ng 'Love of My Life?'

By Dianara Alegre
Published March 10, 2021 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA thinking anti-tanking, considers setting lottery order March 1 — report
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

mikael daez on love of my life


Kung si Mikael Daez ang tatanungin, sino kaya kina Adelle at Kelly ang pipiliin niyang makatuluyan ng karakter niyang si Nikolai sa 'Love of My Life?'

Dalawang linggo na lang bago ang pagtatapos ng ang high-rating primetime series na Love of My Life at patindi nang patindi ang mga eksena rito.

Inamin na ni Adelle (Carla Abellana) ang true feelings niya para kay Nikolai (Mikael Daez) kahit noon ay pinagtulakan niya ito kay Kelly (Rhian Ramos).

Ngayon pa lang ay kanya-kanyang kampihan na ang viewers sa pagitan nina Adelle at Kelly. Marami ang nagsasabing Team Adelle daw sila ngunit hindi rin naman nagpapatalo ang Team Kelly.

Nakatakda na ang kasal nina Nikolai at Kelly kaya hindi na itinago pa ni Adelle ang nararamdaman para sa una hangga't hindi pa huli ang lahat.

Carla Abellana Mikael Daez at Rhian Ramos

Source: carlaangeline (Instagram), mikaeldaez (Instagram), whianwamos (Instagram)

Ngunit kung sina Carla at Mikael ang tatanungin, sino ang pipiliin nila sa characters nina Adelle at Kelly na makatuluyan ni Nikolai?

“Kung Team Nikolai ka, siyempre, dun ka sa mahal mo, kay Adelle ka. Kaya lang wait lang.

“Wala na lang. Wala na lang po,” sagot ni Carla sa panayam ng 24 Oras.

Para naman sa aktor, “If I were the writer, I really like Nikolai and Kelly's relationship at the very beginning.

“For Adelle and Nikolai, however, to Carla's point, it's love, e, and nakakakilig din 'yung love na 'yon kasi parang bawal siya. Secret love. Sobrang explosive niya pero sa loob.”

Coney Reyes

Samantala, dahil malapit nang magtapos at painit nang painit ang mga tagpo sa serye ay mas lalong kinakitaan ng beteranang aktres na si Coney Reyes sina Carla, Mikael, at Rhian ng dedikasyon sa kanilang trabaho.

“Nakakatuwa na makatrabaho, na makita itong mga batang artista na seryoso sa trabaho nila.

"'Yung parang alam nila kung it's playtime. Alam nila kung talagang work na.

"Nakita ko 'yung pagmamahal nila sa trabaho nila kaya alam ko malayo pa ang mararating nitong mga ito,” lahad niya.

Kwento pa niya, may isang eksena raw sila ni Mikael kung saan kailangan niya itong sampalin.

Noong una ay tumanggi raw siya at nakiusap sa direktor na huwag na lang, ngunit ang aktor na raw mismo ang nagsabi sa kanyang gawin ito.

“Nakita ko willing siya to do anything. Nakita ko si Mikael, good learner siya,” sabi pa ni Coney.

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.

Related content:

Love of My Life receives rave reviews from netizens, viewers

POLL: Team Adelle o Team Kelly ka ba sa 'Love Of My Life?'