Showbiz News

Classic Vilma Santos movie 'Masarap, Masakit ang Umibig,' mapapanood sa GTV

By Marah Ruiz

Isa sa mga beloved films ni Star for All Seasons Vilma Santos ang mapapanood ngayong weekend sa GTV.

Huwag palamapsin ang classic movie na Masarap, Masakit ang Umibig sa March 27, 2:00 pm sa Afternoon Movie Break.

Mula sa Sampaguita Pictures at idinirehe ng award-winning filmmaker na si Elwood Perez, nakasama dito ni Vilma ang mga aktor na sina Christopher de Leon at Mat Ranillo III.

Gaganap si Vilma bilang Estella, babaeng magpapaibig sa magkapatid na sina Alonso, role ni Christopher, at Alvaro, role naman ni Mat.

Umani ng Best Actor si Christopher sa 1978 FAMAS Awards para sa kanyang pagganap. Nasungkit naman ni Mat ang Best Supporting Actor sa parehong parangal.

Samantala, tunghayan din ang internationally-acclaimed film na 1st Ko Si 3rd, 11:00 am sa Sine Date Weekends.

Tampok dito ang beteranang aktres na si Nova Villa bilang isang babaeng nangangamba sa kanyang parating na retirement. Sa muling paglutang ng kanyang first love, gugunitain niya ang kanyang nakaraan.

Naging bahagi ng 2014 Cinemalaya Film Festival at 2014 QCinema ang pelikula. Kabilang din ito sa mga pelikulang ipinalabas sa 2014 Hawaii International Film Festival, 2015 Canada International Film Festival, at 2015 The Jersey City International TV & Film Festival.

Balikan ang isa na namang installment sa Enteng Kabisote ni Vic Sotto ang Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko... The Beginning of the Legend sa Saturday Cinema Hits, 6:15 pm.

Sa March 28 naman, tunghayan ang tambalan nina Bong Revilla Jr. at Judy Ann Santos sa Minsan Ko Lang Sasabihin, 1:45 pm sa Afternoon Movie Break.

Susundan ito ng comedy film na Susmaryosep! Four Fathers, 4:00 pm. Tampok dito sina Bobby Andrews, Bojo Molina, Gerald Madrid, at Polo Ravales bilang mga pari na may kanya kanyang personal na problema.

Huwag din palampasin ang vampire action film na Blade: Trinity ni Wesley Snipes sa The Big Picture, 9:20 pm.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.