Showbiz News

Derek Ramsay and Ellen Adarna are engaged!

By Bong Godinez

“Game over.”

Ito ang maiksi ngunit nakakagulat na post ng aktres na si Ellen Adarna ngayong gabi, March 30, sa Instagram para ianunsyo ang kanyang engagement sa aktor na si Derek Ramsay.

Sa mga larawan na pinost ni Ellen ay makikita ang engagement ring na galling kay Derek.

Sa background naman ay makikita ang mga salitang “Will You Marry Me?,” hudyat na nag-propose ang Kapuso hunk sa aktres.

Kitang-kita rin sa mga larawan na naging emosyonal ang aktres at halatang nagulat sa mga nangyari.

Pebrero ngayong taon nang kumpirmahin nila Derek at Ellen ang kanilang relasyon.

Samantala balikan ang naging simula ng relasyong Ellen at Derek sa gallery na ito: