Ashley Rivera a.k.a. Petra Mahalimuyak's TikTok version of viral lugaw incident
Hindi pinalampas ni Bubble Gang babe Ashley Rivera a.k.a Petra Mahalimuyak na gawan ng TikTok video ang nag-viral na lugaw incident kamakailan.
Kumalat ang video ng isang Grab food rider na magde-deliver sana ng lugaw sa isang customer sa isang barangay sa Bulacan pero hinarang ng mga tanod dahil hindi raw essential ang lugaw. Kasalukuyang ipinatutupad ang 6:00 p.m hanggang 5:00 a.m. na curfew sa lugar.
Dahil marami ang umapela sa ginawang pagtrato ng isang tanod sa Grab food rider, naging tampulan ito ng tukso at online.
Umabot na rin sa TikTok ang isyu at nagkaroon na ng iba't ibang version. Isa sa mga sumakay sa trend si Ashley at mayroon nang 34,000 likes ang video niya.
Komento naman ng netizens, sa husay ng acting ng aktres sa pag-arte ay nagagalit pa rin sila gayung alam naman nilang dubbed lang ang mga sinasabi ni Ashley.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
Petra Mahalimuyak (TikTok)
Panoorin ang nakaaaliw na version ni Ashley Rivera sa viral lugaw incident:
Umabot na rin bilang national concern ang naturang lugaw incident. Para tuldukan ang kalituhan kung kabilang nga ba ang lugaw sa essential goods, paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “Lugaw, or any food item for that matter, is considered an essential good. Delivery of food items must remain unhampered 24/7. Huwag natin harangin sa checkpoints.”
Naglabas na rin ng pahayag ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) tungkol sa pagiging essential good ng popular na Pinoy delicacy.
“Sapat ang umuusok sa init na isang mangkok na lúgaw para umampat ng gútom at para pawisan at gisawan ng lagnat ang maysakít. Ngunit ang lúgaw na ginagamit na sabaw o káldo (mula Espanyol na caldo) sa ibang putahe ay may ginisang bawang, sibuyas, at luya. Nilalagyan ito ng pinatuyông bulaklak ng kasubhâ para magkulay dilaw ang sinaing na bigas at binubudburan sa ibabaw ng mga tinadtad na muràng dahon ng sibuyas tagalog (leek).”
Narito naman ang mga reakyon ng ilang celebrities tungkol sa issue. #LugawIsEssential