
Matinding pinabulaanan ng dating senador na si JV Ejercito ang fake news tungkol sa diumano'y pagpanaw ng kanyang ama, si dating Pangulo Joseph "Erap" Estarda.
Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, nilinaw ni JV na nasa ospital pa rin ang kanyang ama at nagpapagaling matapos siyang tamaan ng COVID-19.
Aniya, "The news circulating about my dad is not true. He is still in the hospital recuperating.
"Whoever is behind this fake news is so unchristian. You do not wish bad things to anyone, no matter of you don't like the person."
The news circulating about my dad is not true. He is still in the hospital recuperating.
-- JV Ejercito (@jvejercito) April 4, 2021
Whoever is behind this fake news is so unchristian. You do not wish bad things to anyone, no matter of you don't like the person.
Noong nakaraang linggo, kinumpirma nina JV at kanyang mga kapatid na sina Jake Ejercito at Jinggoy Estrada na nagpositibo sa COVID-19 ang kanilang 83-year-old na ama.
Narito ang ilang pang mga personalidad na nagpositibo rin COVID-19: