GMA Logo Chito Miranda and Neri Naig
What's Hot

Chito Miranda umaming pinagdudahan ang pagbili ni Neri Naig ng lupa

By Cara Emmeline Garcia
Published April 7, 2021 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda and Neri Naig


“Bilib na bilib talaga ako,” bitiw ni Chito Miranda nang ipakita ang bagong lupain na nabili ng kanyang asawa.

Umaming nagduda sa umpisa si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda sa kakayanan ng kanyang asawa na si Neri Naig na bumili ng lupa dahil sa sobrang kamahalan nito.

Kuwento ng 45-year-old singer sa Instagram, nag-worry siya nung una dahil baka mabaon sila sa utang dahil sa pagbayad ng lupain.

Aniya, “Initially, I was honestly unsure kung kaya niya bang bayaran ito, and I kept on reminding her to really think about it first, at aralin niya muna 'yung financial capacity at capability niya, at 'wag siyang pabigla-bigla kasi ayokong mapasubo siya na tipong magda-down siya tapos di na niya mababayaran 'yung remaining amount.”

“Ayokong ma-stress siya, at mas lalong ayaw ko na mabaon siya sa utang.”

Dagdag pa ni Chito, “Even though I was hesitant, we sat down and discussed her plan, tapos pinag-aralan namin 'yung kakayahan niya magbayad based sa kinikita mula sa iba't-ibang mga negosyo't online businesses niya.”

At dahil wais na misis si Neri, confident siya na maipupundar niya ang pera para bayaran ito at matupad ang pangarap niyang bilhin ang lupain.

“Kinausap niya 'yung may-ari ng lupa, and naki-usap siya na kung pwede ba [raw] na hulugan, and I was pleasantly surprised na pumayag sila sa terms ni Neri,” wika ni Chito.

“Again, she showed me how it should be done: Dream big. Work hard. Focus on your goals, and never give up.”

Noong Oktubre ng taong 2020, nabayaran na raw ni Neri ang huling bayad ng lupain at ngayon ay iniisipan na nilang lagyan ito ng iba't ibang pananim at palagyan ng bahay kubo para magsilbing tambayan ng kanilang pamilya.

“Sobrang excited talaga ako sa mga binabalak, pinaplano, at mga pinapangarap nitong babaitang 'to...basta ako steady lang, at todo support lang palagi hehe! Bahala ka na sa buhay ko.”

Basahin ang buong kuwento ni Chito sa post niya:

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

Marami nang beses ipinakita ni Neri ang kanyang pagiging wais na misis sa harap ng kanyang asawa na si Chito Miranda.

Sa katunayan, kumuha pa nga ito ng Entrepreneurial Essentials Course sa Harvard Business Online kung saan natapos niya noong Disyembre.

Aniya habang hawak-hawak ang kanyang certificate, “Thank you again, @onlinehbs. Sa lahat ng gusto pang mag-aral, inquire na sa kanila. Marami kayong matutunan at marami kayong makikilala at matutuo talaga sa lahat ng entrepreneurs sa mundo! #NeverStopLearning.”

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Maliban kay Neri, maraming celebrities at personalities ang nagbukas ng iba't ibang businesses para makamit ang kanilang passions in life. Kilalanin kung sinu-sino sila sa gallery na ito: