Showbiz News

Mag-audition na sa 'Sing For Hearts'

By Maine Aquino

Open na ang auditions ng newest singing contest ng GMA Network na Sing For Hearts.

Ang Sing For Hearts ang bagong singing competition na mapanonood soon sa GMA Network.

Hanap nito ay male and female contestants na kayang magpakilig with their looks and their voice. Kung ikaw na ang hinahanap ng Sing For Hearts, narito ang mechanics para sa online audition.


Ang contest na ito ay naghahanap ng solo and single male and female aspiring singers na may edad na 21 to 30 years old. Mag-submit lamang ng audition video na may isang a capella at one song with accompaniment. Kahit magkaibang kanta ay puwedeng i-submit sa inyong audition video.

Ipadala ang videos sa GMATalentSearch Facebook page via direct message kasama ang name, age, at contact details.

Ang audition para sa Sing For Hearts ay extended hanggang September 30.