Showbiz News

Ina ni Jean Garcia, may huling regalo nang pumanaw ito

By Cara Emmeline Garcia

Malungkot na ikinuwento ni Kapuso actress Jean Garcia kay 24 Oras news reporter Aubrey Carampel ang pagkapanaw ng kanyang ina na si Sandra Panganiban Garcia noong March 30.

Sa exclusive interview, inihayag ni Jean na halos 10 ospital ang pinuntahan nila bago na-admit ito at doon pa nila nalaman na positibo sa COVID-19 ang 70-year-old.

Aniya, ““Siguro more than 10 [ospital] kasi 2:00 a.m., e, nakapasok siya sa Cardinal [Santos Medical Center] 3:00 p.m. e. Ganun ka-grabe.

“Hindi ako makapaniwala. Papaano? Papaanong nangyari? Bakit nagpositive si mommy? 'Di ba hindi naman tayo lumalabas, hindi rin siya lumalabas.

"So, sabi ko, pa-test n'yo ulit. Pina-test ko pa nang dalawang beses at talagang positive, Aubrey.”

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)

Masakit man sa kanyang kalooban ang pagkapanaw ng kanyang ina, baon naman daw ng acclaimed actress ang mga alalaalang iniwan nito sa kanya bilang isang masayahin at napakabait na ina.

Kuwento pa ni Jean, nang i-cremate ito noong Linggo, April 4, may "green bones" daw ang kanyang ina na itinuturing ni Jean bilang huling regalo mula sa knayang Mommy Sandy.

“Bago pa mag-end nung cremation, mayroon siyang green bones,” aniya.

“So pagbaba ko na ang daming message galing sa mga Chinese friends ko pati inexplain sa akin ng Arlington na pinagmamalaki nila na may green bones si Mommy.

“'Yung greenbones pala it's very rare. Hindi lahat ng tao pag sinunog may green bones. 'Yung green bones daw ang ibig sabihin nung nabubuhay pa si Mommy napakabuti n'yang tao sa kapwa n'ya.

“Kaya sa Chinese raw, that's very rare and very lucky, which is totoo naman. Wala siyang meanness sa katawan, maski sa mga kapatid n'ya. Nang tumanda siya mas lalo siyang naging mabait.”

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, 'Good job, Mommy.' At kung mamatay man ako, magpapa-cremate din ako at sana may green bones din ako.

“Ganun ako ka-proud sa mommy ko at kahit namatay siya, may ikakaproud kaming magkakapatid.”

A post shared by Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)

Sa kasalukuyan, nananatiling naka-isolate si Jean Garcia pati na ang kanyang buong pamilya, at sinabing magsilbing aral ang kanilang naging karanasan para sa lahat.

"'Wag na tayong tumigas ang ulo. Isipin na lang natin hindi na sarili natin. Isipin na lang natin 'yung pwede mong mahawaan. Wag ka na lang lumabas.

“Hurting kami ngayon ng pamilya ko pero may mas mga nauna pa na namatayan din ng mahal sa buhay, 'di ba? Masakit talaga. Masakit talaga. Sana lesson kasi COVID-19 is real. Hindi siya biro isa siyang plague.”

Narito ang iba pang personalidad na pumanaw dahil kumplikasyon buhat ng COVID-19:

Kung may mga pumanaw, mayroon din namang naka-recover mula sa COVID-19: